Kabanata 2

1.4K 51 3
                                    

Kabanata 2

Girl

Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong kinuha ang notebook ko.

What's next?

-Wear a dinosaur costume in a bar.

Nakatulugan ko ang pag lilista sa nga gusto ko pang gawin kaya pag gising ko ay agad akong nag plano kung pano 'ko isasaga ang pangalawa kong gagawin.

Pumunta agad ako sa rentahan ng costume at medyo minalas dahil naka ilang store pa ako bago makahanap ng pwedeng isang araw lang gamitin.

Sinuot ko agad 'yon kahit wala sa plano. Ang init! Pero push! Tanghaling tapat nang makalabas ako sa pinag rentahan ko nito.

"Miss, bayad mo?" anang may katandaang babae na nasa counter. Ngumiwi ako dahil hindi ko na hawak ang bag ko.

Nginuso ko ang bag ko, "kuha ka na lang d'yan mamaya, ate! Babalikan ko na lang rin 'yang bag ko mamayang gabi!"

"Naku, ine, hanggang alas otso lang kami bukas, lalo na't linggo." umiling iling pa siya. "bakit ba kasi sinuot mo na 'yan? Tanghaling tapat! Sus, santisima, oo."

Ngumiti ako sa kaniya ng pag kalaki-laki at kumaway ng pahirapan dahil ang hirap gumalaw sa loob!

"Bukas ko na lang po kukunin, kung gano'n!"

"E paano ka uuwi?"

Mas lumawak ang ngiti ko! "Maglalakad po ako!"

Umiling iling siya at sinermonan pa ako pero ngitian ko lang siya at kinawayan. Humalakhak ako nang makita siyang mukhang mas nahihirapan pa kaysa sa akin.

Tumalikod na ako sa kaniya at nang makaharap sa high way ay namewang ako.

"Nandito na si Yerasaur!" sigaw ko at umastang lilipad na parang si superman!

Rinig ko ang halakhakan ng mga tao sa paligid na siyang sobrang nagpainit ng puso ko. Gusto ko 'yung gan'tong makiramdam. Nag sarap sarap makapag pasaya.

Tumawa ako at saka tumakbo ng hindi gaanong mabilis. Pawis na pawis ako dahil summer at ang temperatura sa Pilipinas ay parang ang lapit lapit sa araw!

Huminto ako sa isang stall ng milk tea at nalimutan kong wala nga pala ang wallet ko! Umupo ako sa may bench na paikot at may maliit na puno sa gitna saka nag pahinga saglit.

Init sa Pinas!

May lalakeng umupo sa tabi ko at may naisip na naman akong mild na kabaliwan lang naman. Kinalabit ko ang lalake at iritado itong bumalik sa akin.

Tinuro ko ang phone na hawak niya kaya nanlaki ang mga singkit niyang mata. Humagikhik ako dahil akala niya siguro holdupper ako!

Tumikhim ako at nilakihan ang boses ko. "Picture tayo."

Kumunot ang noo niya at umiling. Hindi na siya sumagot pagkatapos no'n kaya napanguso ako. Natatanggal ang ulo nitong mascot pero ayo'kong may makakilala sa akin. Hindi naman ako famous pero mahirap na.

"Sige na, Kuya! Picture tayo! Pakita mo sa pamangkin mo o kaya sa mga bata na kilala mo, kunwari may kasama kang pink na dinosaur!"

Bumaling siya sa'kin kaya napangiti ako kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita. Nataranta ako nang hawakan niya ang ulong bahagi ng mascot at iaangat.

"Wag kasi!" Humagulgol ako na parang umiiyak na bata kaya natigilan siya at inignora na ulit ako. Humagikhik ulit ako dahil parang nairita siya sa ingay na nagawa ko. "Charot lang!" pilit akong nag peace sign kahit hindi ko ma-control ang mga daliri ng mascot.

Umayos rin ako ng upo at kinuyakoy ang nga paa. Ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin siya nag sasalita kaya nilingon ko siya. Nakasandal siya sa puno habang naka dekwartro at naka pikit.

Init-init pero ang presko niyang tignan! Hmp!

Pinag patuloy ko lang ang pag galaw sa mga paa ko at unti-unti ring natatanggal ang sobrang init sa sistema. Nag hum ako ng isang kanta para hindi mainip.

Maraming mga taong tumitingin sa akin kaya kinakawayan ko sila. May batang natatakot kaya napapanguso ako.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa ulo ng mascot at medyo malakas 'yong katok kaya naiirita ako. Nawala rin agad ang pagkakairita ko kasi si Kuya pala 'yung kumakatok.

"Bakit?" tanong ko na may malawak na ngiti.

"Babae ka pala," aniya sabay iwas ng tingin.

Tatakpan ko sana ang bibig ko kaso maiksi ang braso ng mascot kaya hindi ko nagawa. Shock ako kaya nang tanggalin niya ang ulo ng mascot ay hindi na ako nakaalma.

Unplanned But Wanted Where stories live. Discover now