Kabanata 1

1.9K 54 1
                                    

Kabanata 1

Smack

So far, puro may kasamang babae ang mga nakakasalubong ko. Luckily hindi ko sila tipo. Because if I found the man I will kiss, I won't care if he's with somebody.

Hindi ko alam kung saan ako hahanap dahil kakaunti lang rin naman ang mga tao dito sa pwesto ko ngayon. Then I thought about where guys usually stay.

Sa pag kakaalam ko ay sa basketball court dahil karamihan sa kilala kong mga lalake ay sporty at ginagawang tambayan ang basketball court.

Pero dahil nasa mall ako, sa Tom's World na lang ako nag punta. Tutal ay may palaruan naman do'n na baskteball.

Syempre dahil hahalik ako ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang bangs ko at nilagyan ng kaunting lip balm ang labi bago tumuloy papasok.

Swerte ako dahil may isang lalakeng nag lalaro sa dalawang machine do'n and I must say he's cute. Kinagat ko ang labi ko, my heart starts pounding hard that I think I will faint here! Kinakabahan ako!

Pero siya ang nakakuha ng atensyon ko!

Oo, dito ko plinanong humanap pero habang lumalakad ako ay hindi ko pa rin tipo ang mga nakakasalubong ko. And here! Eto ang lalakeng gusto kong halikan ngayon.

He's lazily shooting balls and I find it cute! I'm weird, I know. Pero bawat hagis niya ay naaakit ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, I don't know how to do it!

Patakbo akong pumunta sa kaniya at nang makalapit agad na hinawakan ang magkabilang pisngi at hinalikan.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib! Sobra! Sobra! Sobra!

Ramdam ko ang pagkatigil at paninigas ng katawan niya. I don't know what am I waiting for. Pero hindi ako humiwalay agad, gano'n din naman siya. Smack lang dapat pero para akong nahehele ng pakiramdam.

Tumunog ang machine na pinaglalaruan niya - hudyat na tapos na ang inupahang oras niya ro'n.

Slowly, I withdraw to the kiss and swallow hard. Hawak ko pa rin ang magkabilang pisngi niya pero sa leeg niya na lang ako nakatingin, I don't know how to face him.

And I should run by now!

Yes! I should run!

Agad akong kumaripas ng takbo at nang makalayo ay huminto. It happened so fast! Pinaghalong kaba, saya, pagod, at fulfillment ang nararamdaman ko ngayon.

Huminga ako ng malalim at kinagat ang labi para pigilan ang ngiti. Ang lambot ng labi niya! Shit!

Kinikilig ako!

Hawak hawak ko ang labi ko habang nag lalakad papuntang- hindi ko alam kung saan ako pupunta. Parang nakalutang ako ngayon!

Baliw ka na, Yera!

At least, may isa na akong nagawa hindi ba? And, heck! Isa pa lang 'yon sa kagagahan ko! I'm trying to recall kung anu-ano pa ba ang mga nakalista do'n but daeng! Hindi ko maalala! 'Yung nangyari lang kanina ang pumapasok sa isip ko.

Bukas naman siguro? We'll I'm not in a rush. My death will approach but I know He will give me time to enjoy my stay here.

Unplanned But Wanted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon