Kabanata 6

970 40 3
                                    

Kabanata 6

Living

Sinubuan niya ako. Yes! He did that! Nahihiya ako pero gutom ako, e! What can I do? Isa pa, hindi ko rin alam pero sobrang gaan ng loob ko sa kaniya.

Hindi kaya kapatid ko 'to?

Nilingon ko agad siya at siningkitan ng mata na nanunuri. Nilingon niya rin ako at tinaasan ng kilay. Hinipan niya ang kwek kwek at saka tinapat sa bibig ko iyon.

Hindi ko binawi ang mapanuri kong tingin habang ngumanga para tanggapin ang kwek kwek. Ngumunguya na ako pero ineexamine ko pa rin ang mukha niya, baka may kamukha sa angkan ko.

"What?" he asked.

Ngumiwi ako. "Milk tea,"

Agad niyang kinuha at itinapat sa bibig ko. Hinawakan ko ang braso niya matapos. Naubos ko ang sampung piraso ng kwek kwek! Whoa!

"Is that fine?" he asked, kunot ang noo. Clueless, I looked at him. What fine? "I think you're still hungry and I don't think that balls can make your stomach satisfied,"

Nalaglag ang panga ko. Sa pag tatanong niya kung ayos na ba 'yon ay ramdam ko ang pagka sinsero pero nang huling sentence na ay parang sarkastiko na?!

Tingin niya ba patay gutom ako?!

Ngumuso ako. Well, gutom pa ako ngayon pero tingin ko'y mararamdaman ko ang kabusugan pagkatapos ng ilang minuto.

"That's super fine," I nodded and smiled. "Thank you, mister!"

Ngumisi siya at umiling. Oh, man... He's so cute!

"Liam," he introduced. "Forgot that we're strangers,"

I nodded and smiled. "Yerasaur," I lend my hand but he didn't notice. Nginuso ko ang kamay ko at nakuha niya naman.

"Silly," ngiwi niya pero tinanggap rin naman! "Yerasaur, seriously?" he's hiding a smile!

"Yeah..." I giggled.

"May I know... why are you wearing that dinosaur costume?"

My smile faded. Iniwas ko ang mukha ko at tumikhim.

"Living my life to the fullest?" I licked my lips. "I just want to try things before I die, you know." pabiro kong sabi sabay tawa . "YOLO," I nodded and shrugged trying not to give him ideas.

Natahimik siya. Nakaawang ang labi na parang may gusto pang itanong pero pinigilan ang sarili. The silence stretched, I was about to say something but he spoke first.

"You give your trust that fast," he said, matter of fact. "You don't even know me,"

Seriously, I've been thinking about that, too!

Unplanned But Wanted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon