Kabanata 7

938 31 4
                                    

Kabanata 7

Denial

"Ewan ko," pinasadahan ko siya ng tingin. "I just feel you're someone trustworthy." I smirked. "Parang na meet na kita before but I don't know where," nagkibit balikat na lang ako.

Iniwas ko ang tingin ko at mas lalong ngumisi.

"Siguro sa nakaraan kong buhay, asawa kita,"

Pagkasambit ko ay agad na kumalabog ang dibdib ko! What did I just said?! Nasa utak ko lang dapat 'yon!

I can hear crickets inside my head! At sobra akong nahihiya sa sinabi ko! Sobra! Damn it!

"I think so," nakangisi siya!

I was dying to see that reaction an hour ago but now I don't think I want to see that smirk again! I feel so ashamed!

"Nagbibiro lang ako," hilaw ang tawa ko.

"I'm not,"

Hindi ko alam pero nasabi ko sa kaniya ang plano ko, ang pumunta sa bar ng ganito ang suot. Well, I'll never tell him my case.

Nalaman kong schoolmates pala kami dati, lumipat lang siya dahil sa personal na dahilan na hindi niya rin sinabi sa akin. Maybe he was broken hearted?

Bakit niya nga ba sasabihin, e, kakakilala lang namin?

It is super wierd that we feel so comfortable with each other. Minsan ay nakaka conscious kapag nakatingin siya sa akin pero hindi ko pinapahalatang naiilang ako.

Ang bilis bilis ng oras, alas tres na ng hapon at hindi ko namalayan 'yon! Kung wala siya ngayon ay baka buryong buryo na ako kung nasaan man ako but then he kept me accompany.

He lack at humor but that's fine, unang tingin ko pa lang ay alam kong masungit siya.

He treated me again. Ngayon ay rice meal na ang kakainin namin!

I can't tell why am I trusting him this much and why am I still with him. I just feel like being with him.

Ganoon na ba ako karupok?

Habang kumakain ay panay ako dada at siya naman ay tahimik pero kahit papaano ay nag sasalita rin naman kung kailangan ko ang opinyon niya.

He's the listener and I'm the sharer. Perfect, because I'm not good at listening.

Nang mag alas sais y media ay hindi ko alam kung hihiwalay na ba ako.

"By the way, aalis na 'ko, alam mo na..." nginisian ko siya para ipaalala na may plano ako para ngayong gabi.

Namewang siya at umaktong nag-iisip pero hindi siya magaling na aktor. I know he planned something...

"Wala akong gagawin ngayon..." makahulugan niyang ani. "Mind if I join you?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Yes, I do." pagtataray ko. Kita ko ang bahagyang pag ngiwi niya. "You can go naman na," maarte kong sabi.

"Sure ka ba na papapasukin ka ng ganiyan ang suot sa isang... bar?" tila galit siya sa huling salitang binaggit.

"Why not?"

He just shrugged. Para siyang constipated at tila nag hahanap pa ng alibi pero wala na siyang maisip. Hindi ko na napigilan ang halakhak ko.

"Charot lang!" I burst into laugh when his jaw clenched. He's pissed! "My goodness, Liam! Hindi ko alam na under ka ng isang stranger?"

"I'm not-"

"You're such a denial man!" umismid ako. "Kung tatanggi man ako na sumama sa'kin ay hindi ko naman pag-aari ang bar na pupuntahan ko kaya hindi kita mapipigilan kung pupunta ka man do'n, I don't own the world, I don't own... you so don't act like I do..." biro ko.

He looked bothered but again, he didn't say anything!

"Tara na nga!"

Unplanned But Wanted Where stories live. Discover now