CHAPTER 29

24.1K 817 2
                                    

( MICH POV)

Napapikit ako sa sakit.
Marami ng dugo ang nawala sa'kin. Buti nalang at tinalian 'yon ni Ate Zaynah para maibsan ang pagdurugo.

Sa nanlalabong paningin tumingin ulit ako sa gawi ni Ate Zaynah. Nakikipaglaban pa rin ito. Nakakahanga ang bawat galaw niya. Nagawa niya pang buhatin ang anaconda eh ang bigat no'n.
Mag-isa lang siya pero sobrang dami nila.

Pero sobrang bilis ng pangyayari  natamaan siya ng buntot ng dragon at sa isang iglap nagawang makalapit ang mga lobo sa kanya.

Nahigit ko ang hininga ko ng makitang dinaganan ng mga wolves si Ate Zaynah 
No it can't be. 

Pinilit kong tumayo pero nabigo lang ako.
I have to help her. But how ? I can't even stand nor walk!

Napatigil ako ng may naramdamang kakaiba.
Naramdaman kong nanindig ang mga balahibo ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. 

Her aura. It's damn scary.

Napatulala nalang ako sa sunod na nangyari. Lahat ng mga wolves na nilalapa siya ay natilapon at nagkawatak-watak ang mga katawan.

'Yong puti niyang dress ngayon ay pula na dahil sa dugo.
Marami din siyang mga kagat. Puno ng dugo ang buong katawan niya. Pero parang ang manhid niya. Wala man lang reaksyon ang mukha niya.

Dahan-dahan siyang tumayo na para bang walang nangyari sa kanya at hindi siya nasaktan. 
Mas bumilis ang tibok ng puso ko at paninindig ng balahibo ko ng mapansin kong kulay itim na itim ang mata niya.

Sobra siyang nakakatakot.

Napasinghap ako ng puluputin siya ng anaconda na agad din namang nagkawatak-watak. Binugahan naman siya ng apoy ng mga dragon. Pero hindi man lang siya umiwas. Sinangga niya lang ito gamit ang kamay niya. 

How did she do that? 

Naramdaman kong may tumulo na luha sa mata ko. 
Takot. Sobra akong natatakot sa kanya. 
Napahawak ako ng mahigpit sa batong hinahawakan ko. 
I can't breathe.

Hindi ko maintindihan! May kung ano sa aura niya ang nagpapabigat ng kalooban ko. Ang dahilan kung bakit nahihirapan akong huminga.

Kasabay ng sigaw niya ay lumindol ng malakas at ang hangin na parang nakikipagsagupaan sa lakas. Sa sobrang lakas ng hangin ay nakakabingi.

Naglaho lahat ng mga nakapalibot sa kanya. 
Napatulala ako. Sobrang lawak ang nasira niya. Iyonh gubat naging patag kahit puno walang natira. 
Sobrang lakas no'n.

Napaigtad ako ng papalapit nang papalapit sa'kin si Ate Zaynah.
Sobrang nakakatakot ang tingin niya 
Hindi na siya si Ate Zaynah.

Napahagulhol ako at pinilit hinahabol ang kumakawalang hininga. Sobrang lakas din ng tibok ng puso ko na animo parang wala ng bukas.
Napako ako sa kinauupuan ko ng nasa tapat ko na siya.

Ramdam na ramdam ko ang aura niya na nagpatigil sa akin sa paghinga. 


Unti unting pumikit ang mata ko at nararamdaman kong bibigay na ako. Pero bago 'yon naramdaman kong hinawakan ako ni Ate Zaynah kasabay ng pagbalik ng hininga ko. 
Then everything went black. 







(ZAYNAH POV) 

She's breathing again. 
Tsk. 
Naramdaman kong luminaw na ang paningin ko. Mukhang bumalik na sa dati ang mata ko.

I immediately left her at pinuntahan ang malaking bato na nakaagaw ng pansin ko kanina.
Napatingin ako sa nakaukit. 
Hmmm. Hindi ko gets.  
Alien Language. The heck. 

I kick the stone causing it to break.
Damn it. It's losing my patience 
Pagkapasok ko may isa rin bato. More bigger than the other one. Mukhang protektado ang lugar na ito. Sa madaling salita, sa oras na pumasok ako rito ay nasa ibang dimensyon na ako.

 "Destroy."

It torns into pieces saka na ako pumasok.
And there. Nasa gubat na naman ako.

I saw a woman wearing an evil smile. She's infront of a hologram where the illusion happened. Napangisi ako ng malaman na nagtagumpay ako.

Ang nasa illusion ay ang time na nilalapa ako ng mga lobo. Masyadong huli ang pelikulang pinapanood mo.

"Ganyan nga. Mag-enjoy kayo sa pagkain na inihanda ko para sa inyo." Saka tumawa ito ng malademonyo.

The Head of the Illusion. 

Biglang lumakas ang ihip ng hangin dahilan ng pagkatigil niya.

Gulat na napalingon ito sa akin.

I flashed my sweetest smile ever but an evil one.

"You're not that smart. You haven't notice that I fooled you. Pinaniwala kita na hanggang ngayon kinokontrol mo pa rin ang mga alagad mo kahit ang totoo. WALA NA SILA. " nakangiti kong sabi sa kanya. Nagpalakad- lakad ako palibot sa kanya

"P-paa-no mo n-aga-wa 'y-yon? Paa-no mo a-ko nau-to . P-papaan-ong n-natalo mo sila?" Utal-utal na tanong niya.

"Good question. Why don't you ask yourself? " panunuya kong sabi.

"THIS CAN'T BE! " her voice thundered.

Lumindol ng malakas at naramdaman ko ang malakas niyang enerhiya. Nagsisimula na rin maglaglagan ang mga bato galing sa langit? Ewan saan nanggaling basta galing sa taas. At gumuho ang lupa na kinatatayuan namin.
Pero nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya. Nakangisi at iniinis siya.

Ako ang ininis mo kanina. It's payback time.

Tumalon ako pataas at lumipat ng ibang puwesto ng bumuka ang lupa sa kinatatayuan ko.

I'm now into illusion again. 
Naging kutsilyo naman ang mga bato at mabilis itong bumulusok papunta sa'kin. 

I quickly avoided it.
I summon the Elemental Blade at sinangga ang ibang kutsilyo. 

I want this over. 
I released my magics  and transfer it to the Blade.
Kasabay ng pagsangga ko ay nagkaroon ng malaking pagsabog. 
Naglaho lahat ng kutsilyo at bumalik na sa realidad. 

Unti-unti akung lumapit sa kanya. When she was about to raise her hand to create an illusion again. I immediately throw the Blade to her hands and it cuts into pieces.

 
Napasigaw ito ng malakas. Sinalo ko naman ang Blade at hinagis ulit. Sa may bandang puso na. And I disappear it. Tss.

You deserve it bitch.

Tumalikod na ako at binalikan si Mich na hanggang ngayon wala pa rin malay.

MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSWhere stories live. Discover now