CHAPTER 22

26.4K 867 29
                                    

(HANNA POV)

Dala-dala ang isang basong tubig ay pumunta ako ng secret garden. Sa pagkakarinig ko sa usapan nila baby Ace ko ay ito ang paborito niyang tambayan. Sana ay nandito nga siya ng magawa ko na siyang burahin sa mundong ito. Masyado na siyang mapapel.

Napangisi ako ng makita ko nga siya na nakaupo sa isang puno at nakatalikod sa akin. Lumapit ako sa kanya at diretsong binuhos sa ulo niya ang tubig.

Napangisi ako pero agad din 'yong nawala. Wala man lang itong reaksyon sa ginawa ko na ikinairita ko ng husto.

"Thanks for the shower." sambit niya. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Baliw siya! I hate this bitch! Dahil sa inis ko ay ibinato ko ang baso sa kanya na mabilis niyang naiwasan kahit nakatalikod naman siya sa akin. Ugh! Kainis.

Humarap siya sa'kin and give me a blank expression but a cold aura. Sapat na para manindig ang balahibo ko. Huminga ako ng malalim at pilit na tinatago ang takot. Nababahala ako sa aura niya.

She tilted her head like she's examining me. Napaatras ako ng bahagya. Napangisi naman siya.

"You're lucky and I haven't seen my sweet blood." Napasinghap ako sa lamig ng boses niya. Ugh no way! Dapat hindi ako matakot! I need to think and act fast! Nagpalinga-linga ako, naghahanap ng puwedeng saniban.

Napangisi ako ng makita kami ni Haydee. Bago pa ito nakapagreact ay sumanib na ako sa katawan niya at 'yong kaluluwa naman niya ay lumipat sa'kin. Yeah right, I'm a body manipulator.

Humarap ako kay Zaynah na wala pa rin ekspresyon ang mukha. Nakakapikon ang expression niya.

Gumawa ako ng Water ball at tinapon 'yon sa kanya. Pero nabigla ako ng maging Ice ito. F*ck! She's a sub-elementalist. 

Gumawa ako ng tsunami at katulad kanina ay naging Ice din ito. Napapadyak ako sa inis! Ang nakakainis pa ay nakaupo pa rin ito. Hindi man lang ito gumalaw at tinitingnan lang ako! Hindi pwede 'to!

Gumawa ako Water swords at umatake sa kanya. Pero nagulat ako ng mabilis siyang dumepensa. Don't tell me magaling siya dito? Kainis!

I raised my hand as a signal that I'm going to release the Water eagle. Now this is the start. I attacked her with the Water eagle and the Water knives. Pero nagulat na naman ako ng hindi man lang siya natinag at tiningnan lang ang mga atake na ginawa ko.

Bago pa dumapo sa kanya ang mga atake ko ay bigla iyong naglaho na ikinagulat ko. F*ck! Paano niya nagawa 'yon? Bakit naglaho?

Gumawa ulit ako ng atake pero...natilapon ako at halos hindi na ako makatayo sa ginawa niyang atake. Binalik niya sa'kin ang ginawa kong atake and that was damn unbelievable! Paano niya nagawang salubungin ang Water knives at pabalikin sa akin? Napamura ako ng naramdaman kong nanginginig ang buong katawan ko.

Napaatras ako ng humakbang siya papalapit sa akin. Argh ang sakit! Hindi pa rin ako makapaniwala na dalawang sub-elementals ang hawak niya!

Ice and Electricity. Pa-paanong na sa kanya ang dalawang sub-elementals?

Sa hindi ko malamang dahilan, bumalik na ako sa katawan ko. Wala akong pasa pero hirap na hirap ang loob ko. Damang-dama ko ang sakit.
Hanggang sa napaiyak na lang ako dahil sa tinding takot na nararamdaman ko. Nakakatakot siya.

Napadaing ako sa sakit ng hinawakan niya ako sa leeg at inangat sa ere.

"T-tama n-na .N-Nagm-maka-awa ak-o" hirap na hirap na sabi ko.

"And you have the guts to mess with me. " nakangising sabi niya. Mas lalo lang akong nakaramdam ng takot. Napasigaw ako ng dumaloy ang kuryente sa katawan ko.

"P-Pa-tawarin m-mo ak-o. TAMA NA! " Naiiyak na sabi ko. Ang sakit na talaga. Ang sakit-sakit na. Mas lalo akong napasigaw at napaiyak ng binalot ng ice ang mga paa ko. Hindi ko na kaya 'to. Ikamamatay ko 'to! No, hindi pwede!

"You're going to face my consequences. I want you dead." malamig na sabi nito. Napapikit nalang ako at mas napahagulgol. Ayoko na.

"ATE ZAYNAH! PLEASE TAMA NA. PATAWARIN MO NA ANG KAPATID KO! " narinig ko ang boses ni Mich na umiiyak. Pilit na inaninag ko sila. Nanlalabo na kasi ang paningin ko dahil na rin sa pag-iyak, pagod, sakit, at unti-unting pagkalagot ng hininga ko.

Mich. Sandra. I don't want to see them crying.

"ATE ZAYNAH PLEASE! WAG MO NG SAKTAN ANG ATE NAMIN." pagmamakaawa ng kapatid ko sa kanya na nanatiling nakatingin sa'kin. Napasigaw na naman ako sa sakit ng higpitan niya ang pagkakahawak sa leeg ko. F*ck. 

Nagulat nalang ako ng tumakbo papalapit sina Mich at Sandra at lumuhod sa harapan niya.

"Please Ate Zaynah.." Umiiyak na pagmamakaawa nila. Mas lalo akong napaiyak sa nakita ko. I don't want to see them like that. Mas nasasaktan ako. Napasigaw ulit ako ng diniinan niya ang pagkakahawak sa'kin.

"You're lucky and you have a sister like them."

Pabagsak niya akong binitawan at nawala na ang kuryente at ice sa katawan ko. Nilapitan naman ako ng dalawa at niyakap.

I wish I could get back the time. Sana hindi ko nalang siya kinalaban. Nagkamali ako. Nakakatakot nga siya sobra at ang lakas niya. Kahit isang elementalist na ang minapulate ko. Napatingin ako kay Zaynah at bigla siyang nawala.

Teleportation. Another magic. How?

"We told you before but you didn't listen. Iyan ang napala mo." inis na sabi ni Arriane sa akin. " Pinairal kasi ang insecurities."

"Damn you, Hanna! Ang katawan ko pa talaga ang ginamit mo. May pasa na ako! Kung hindi ka lang nakakaawa ngayon ay binanatan din kita! Asar! "

Napayuko nalang ako. I felt so guilty. I'm so stupid. Napapikit ako at binigkas ang katagang kahit kailan ay hindi ko sinabi sa buong buhay ko.

"I'm sorry." umiiyak na sabi ko. "I'm so sorry."

" Ate... It's okay." pang-aalo sa akin ni Sandra pero mas lalo lang akong naiyak.

 "Dadalhin kita sa clinic."  sambit ni Arriane pero hindi na ako nakasagot dahil bigla nalang ako may naramdamang masakit.

Then everything went black.

MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSWhere stories live. Discover now