CHAPTER 2

45.3K 1.2K 38
                                    

(ZAYNAH POV)

"Are you making fun of me?"   Pigil na inis na tanong ko bagama't hindi ako makikitaan nang emosyon. Nakakapanggigil. Kung hindi ko lang ito kamag- anak kanina ko pa siya ibinalandra sa inis.

We're currently standing here in front of.... Ughh I don't know thing. It's somewhat like a portal? Malaking bilog iyon na nasa gitna ng pader at nagliliwanag. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Damn it. This is f*cking crazy. Crazy crazy crazy.

"I told you not to use that tone to me. It's creepy. Are you just going to stand there or I will grab you?"

I gave her a death glare.

"Are you f*cking expecting me to enter that thing? " Inis na tanong ko sa kanya. Pilit na nilabanan niya ang walang emosyon na titig ko at nagsalita.

"We're running out of time Zaynah" seryosong aniya.

Naikuyom ko ang kamay ko sa inis. Hindi ito ang inaasahan kong madadatnan ko sa oras na dumating kami. Sa pagkakatanda ko ay eskwelahan at hindi ang kalokohan na ito.

"And I'm not kidding. Trust me. Ito na ang panahon na matagal kong hinihintay. Ibabalik na kita Zaynah, ibabalik na kita sa totoong mundo mo, kung saan nababagay ang mga taong katulad natin." Seryosong sabi nito ulit na nakapagpatigil sakin. Ano ba ang pinagsasabi niya? Pero dala na rin ng kuryusidad sa mga sinabi niya ay gusto kong sumama sa kalokohan na ito.

Binigyan ko siya nang makahulugan na tingin saka siya lumapit sakin at hinawakan ako. Iyon ang hudyat na kailangan na naming pumasok. Para naman akong nahulog galing sa pinakamataas na lugar at nahirapan akong huminga noong pumasok kami. Naipikit ko nalang ang mga mata ko.
Nang maging maayos ang pakiramdam ko at parang hindi na kami nahuhulog ay iminulat ko ang mga mata ko.

What the hell?

Nagpalinga-linga ako, sinisigurong hindi ako niloloko ng paningin ko.  Tumingala ako at muntik na akong mapamura nang makitang may araw. Paanong nangyaring biglang nagkaroon ng araw at higit sa lahat bakit umaga na!? Sigurado akong paglabas ko ng kotse ay madilim na. Napatingin ako sa relo ko at tinapik-tapik iyon ng hindi iyon gumana at sa isang kisap-mata biglang nagbago ang oras at naging 10 AM. What the f*ck!?

Napalingon ako sa Auntie ko at tatanungin ko sana siya kung anong petsa na pero napatigil ako dahil tumambad sa akin ang pagkataas-taas na gate at sa kabila ng taas no'n ay nakikita ko pa rin ang mga magagarang building sa loob.

Palasyo ba ito?

No a SCHOOL. A school that is so luxurious! Hindi ko maiwasan ang hindi mapahanga. At sa taas noon ay may nakasulat na

MAGICZARD ACADEMY

At maya- maya pa nagsalita si Auntie na nakaagaw ng atensyon ko.

" Welcome to MAGICZARD ACADEMY  Zaynah Alisha Shin, the school of MAGICS "

Magics? Damn it.

ANG pagtunog nang orasan ang tanging maririnig sa loob ng isang opisina. Walang nagsasalita sa amin maski isa. Ramdam na ramdam doon ang tensyon. Isa na doon ang Auntie ko na hindi mapakali dahil sa malamig na tinginan namin ng taong kaharap ko ngayon. The Headmistress.

" So what's her magic ?" She asked breaking the silence and tensions between us while still smiling at me.

"I don't have a magic / Unidentified " Auntie and I said in chorus. Mabilis ko siyang tinapunan ng masamang tingin. Agad naman siyang umiwas ng tingin at napatingin nalang sa taong kausap namin ngayon

Magics ? Pssh. They are out of their mind. Magics do not exist. Definitely not!

"Is that so ?" napatango-tango siya.

MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon