CHAPTER 23

27K 872 12
                                    


(HAYDEE POV)

Arghh!  I so hate that girl!
I'm here at the clinic trying to heal my bruises!
Huhu. Nakatikim na ako kay Super Zaynah.
Wah katakot 'yon!  Akala ko katapusan na ng katawan ko. Nakakaloka talaga. Si Hanna naman kasi! Bwiset!

But I can't help myself to feel pity at her 
Malala ang sugat na natamo niya. Kahit ang healer nahihirapan na. Pinagpapawisan pa nga eh.

Hayss. Kung nakinig ba naman kasi. Ayan tuloy! At ang makinis kong skin. My Gosh! Si Zaynah pa talaga ang  kinalaban! Gossssh! May death wish nga talaga ang gaga!

"Di ba kayo nagagalit kay Zaynah?"
Napalingon ako ng tanungin 'yon ni Arriane kina Sandra at Mich.
Sana lang talaga at di maisipan ng dalawang to na gumanti at baka sila ang sumunod na nakaratay sa hinihigaan ng walang malay na si Hanna.

Medyo nagulat ako ng ngumiti sila.

"Hindi. Ang totoo nagpapasalamat pa nga kami sa kanya."

Nagpapasalamat? Nagpapasalamat sila na muntikan ng mamatay ang ate nila? Ang weird.

"Kanina, No'ng niyakap ko si ate naramdaman kong may nagbago sa kanya."

"At tsaka , nagawa niya pang magsorry. Kaya thankful kami kahit papaano kay Ate Zaynah"

Ah 'yon naman pala!
Awww, ang sweet nila. I wish, may kapatid din akong tulad nila.
Si Hanna naman kasi, hindi kaya ampon lang siya? Siya lang kasi ang may makitid na utak.

"Pero sana man lang hindi gano'n kalala. " Nakangusong sabi nito.

Napangiti ako.

"Dont worry , she'll be fine. Masamang damo yata 'yang ate niyo. Hindi 'yan agad mamamatay."

Napangiti naman sila.

"Sana nga unnie-chan."

"At saka tama ka! Masamang damo talaga si ate.Pero kahit gano'n ay mahal namin siya. "

Niyakap naman sila ni Arriane. Napatingin naman ako kay Hanna .
Sana nga. Gumising na siya. At magising na siya sa katotohanan. 
Wala naman kasi siyang mapapala sa insecurities niya kundi sakit.
Pityful Hanna. Kung hindi mo lang sana siya kinalaban hindi ka mag-aagaw buhay ngayon.
At sana di nag alala ang mga kapatid mo sayo ngayon
Maswerte ka kasi kahit ganyan ang pag- uugali mo, hindi ka pa rin matitiis ng kapatid mo at mag-aalala sila sayo.

****

*After 1 week*

Halos mag-iisang linggo na ng magising si Hanna. Oh diba? Nagising rin sa wakas ang babaeng 'to. Isang linggo din na nakaratay 'to.

Somehow I feel glad. Marami kasing nagbago sa kanya. Naging makulit pero may pagkamaldita pa din. Hindi pa rin nawawala ang mga insecurities pero nabawasan naman. Pero atleaat hindi na katulad dati. Sagad!

" Argh! Leche Hanna! Wag ka ngang makulit! Naglalagay ako ng blush on!" inis na sabi ko.

"Ako din kasi!" Pagpupumilit niya.

"Bwiset ka! Sa arte mong 'yan wala kang ganito!? " asar na sabi ko.

"Eh wala naman talaga ! Si Z-zay-nah lang naman ang meron niyan." pahina ng pahina ang boses na sabi niya.

Oo nga pala. Kay Zaynah pala 'to.

 "Maghanap ka ng iba huwag sa'kin!"

Napanguso nalang siya. Natawa na lang sina Mich at Sandra sa kakulitan nito.

" RANK 10 ALL OF YOU, PROCEED TO MY OFFICE " Boses iyon ni Headmistress. Bakit kaya?

"May mission ba Unnie-chan?" tanong sa akin ni Mich.

I just shrugged. Hindi ko din alam pero may palagay akong misyon na naman 'to.

"Pumunta kaya tayo do'n nang malaman natin 'no?" mataray na sabi ni Hanna.

Mabilis na tinapos ko ang paglagay ng blush on at pumunta na kami sa office. Pagkadating namin ay nandoon na rin ang iba. Maliban sa isa...

Zaynah 

Malamang tulog pa rin 'yon. Favorite hobby iyon ni Zaynah. Napatingin ako kay Hanna na namumutla. 
Psh. Takot pa rin hanggang ngayon. 

Nga pala here are the ranks...

Rank 1 : ZAYNAH ALISHA SHIN 
Rank 2 : ACE DAVIDS 
Rank 3 : HAYDEE MENDEZ 
Rank 4 : ARRIANE MIN
Rank 5 : ZACH STANFORD
Rank 6 : IAN LEE 
Rank 7 : HANNA RICHSTER 
Rank 8 : MICH RICHSTER
Rank 9 : SANDRA RICHSTER 
Rank 10 : JESTER HANS 

Jester is the cousin of Ian Lee. Magic ? Invisibility. Ang kay Mich naman ay Lightning and Sandra is an Illusionist.
Wala sila sa leveling no'n kasi nga may mission sila diba? Kaya naman binase sa mission nila at ayan napasama sa Rank 10.

Napaayos ako ng upo nang maramdaman ko ang aura niya. Shete. Nakakakaba huhu. 
Lahat kami nakatingin at nakaabang sa papasok...

Zaynah . Napapalibutan siya ng malamig na aura na talagang makakapagpanindig ng balahibo mo. 

Ngumisi ang Headmistress.

 "Sabi ko na nga ba at natutulog ka. Kaya nga pinatawag ko na kayo ngayon."

" F*ck you." Malamig na sabi ni Zaynah.

Saka siya nagpakawala ng Ice ball sa Headmistress na ikinagulat namin. Agad gumawa ng barrier ang Headmistress at natatawang napatingin kay Zaynah.

Napanganga nalang kami.  

"Wag kayong gumawa ng gulo dito." segunda ni Ace 

"Better shut your mouth." asar na sabi ni Zaynah.

Nanlaki ang mata namin ng may lumabas na electric ball sa mata niya at balak yatang puntiryahin si Ace.
Narinig ko pang napamura si Ace.

"Enough, Zaynah" Sabi ng Headmistress.

Then it fades at umupo na rin siya. Gosh ! Ganito ba siya pag ginigising? Nakakaloka !

Napaayos kami ng upo nang tumikhim ang Headmistress at nagseryoso siya.

"You have a mission."

MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSWhere stories live. Discover now