Page 40

30.2K 784 32
                                    

Kneeled

Kung sa habang buhay
Isa lang ang sasabihin
Ang pangalan mo ang sasambitin

Nakarinig ako ng boses na siyang nagpatigil sa akin. Mas lalo akong napangiti nang makilala ko ang boses ng kumakanta.

Hindi ko kailangan tumingin pa sa harapan para makilala ang taong kumakanta ngayon.

It's Alice's voice.

Kung sa habang buhay
Isa lang ang matatanaw
Ang 'yong mukha ang pagmamasdan

"Come, let's walk together..."

Kung iisa lang ang aking pangarap
Mahalin mo ako ang nais kong matupad

Tumango ako at iniwan namin si Adrian at Dos. We walked together and as we pass by his family, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng sobrang tuwa dahil sa mga nakikita kong ekspresyon.

Some are even crying and I am sure it is out of too much happiness. Bakas sa kanilang mga mukha iyon.

At kung sa habang buhay ikaw ang kapiling

Wala ng kahit na ano 'pang nanaisin
Ikaw ang panaginip ang laging nasa isip

I felt his hand held me tighter.

I smiled and looked at him. "I love you, Carl." I almost whispered which made him look at me.

Kung sa habang buhay
Isa lang ang tatanganan
Kamay mo lang ang aking hahawakan

From his nervous expression, mabilis iyon napalitan ng ngiting gugustuhin kong makita araw-araw.

"Ang swerte ko talaga." Aniya at mabilis na dinampian ng halik ang likuran ng aking palad.

Kung sa habang buhay
Isa lang ang hahalikan
Labi mo lamang ang tanging asam

Umiling ako. "I am luckier. Sobra."

Isang ngiti ang ginawad namin sa isa't isa. Mas humigpit ang hawak namin na tila wala na kaming balak pa magkahiwalay.

Kung iisa lang ang aking pangarap
Mahalin mo ako ang nais kong matupad

My heart is crying so much not because of pain but because of happiness.

We reached the end of the aisle and our parents welcomed us. Niyakap ako ni mommy kaya napabitaw ako kay Carl. I hugged her back with so much love and happiness.

"I am happy for you, anak. Ito na 'yon... ang hinihintay mong pamilya."

I shook my head. "You were my family, ma. Hindi ka kailan man nagkulang. Nadagdagan lang ang pamilya ko."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking kalawang pisngi. Tinignan niya ako gamit ang kanyang mga mata na puno ng pagmamahal.

Isang buntong hininga ang kumawala sa kanya at tumango.

"You are my angel." Aniya bago tinignan si Carl na nasa likuran ko.

"And I am happy that you found yours."

Inabot niya si Carl at siya naman ang niyakap nito.

Lumingon ako kay Tita Jade at Tito Ivor. Nilapitan ko sila para yakapin. Somehow, sa kaloob-looban ko... ramdam ko ang pagiging pamilyar sa kanila dahil hindi na sila iba sa akin.

They've been there for me since God knows when.

"Ija, maraming salamat at bumalik ka." Ani Tita Jade nang magkahiwalay kami.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceWhere stories live. Discover now