Page 15

36.5K 924 60
                                    

Hi to ReYnlyn73098! I always love seeing and reading your comments! I totally appreciate it!

Disown

"I have to go..." Mahinang saad ni Hazel kay Carl.

Bahagyang kumunot ang noo ni Carl at hindi ko alam kung bakit parang mas nasasaktan ako habang nakikita ang bawat reaksyon niya habang ang mga mata ay nakatitig sa kaharap na babae.

I shouldn't feel like this...

Hindi pwede.

Hindi ko pwedeng hayaan ang sarili kong makaramdam ng pananakit ng puso. I should protect myself before I get hurt so much. But the funny thing is, I don't even know why I need to protect myself, gayong sa una palang naman ay hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan habang nakikita silang dalawa.

Hazel...

Argao.

Carl...

Maybe they do know each other because of that place. What's the big deal? Hindi naman malabo na nag-kita na sila dati lalo na at ang alam ko ay sa iisang university lang sila nag-aral. Besides... Hazel was a student nurse before, malaki ang tyansa talaga na nag-kita na sila.

"Uh... okay." Ani Carl.

Damn. Heart. Pain. Stop.

Nakatutok lamang ang mga mata ko kay Carl, pinapanuod ang bawat pag-galaw ng kanyang mga mata. Sanay na ako sa ganitong pag-tingin niya sa mga tao, the kind of stare that his eyes are giving are so damn heartwarming, they are always careful and patient and I hate it when his eyes stares at someone... not me.

Ito ang isa sa mga kinakatakot ko, ang makaramdam ng ganito.

I accepted it already, before, that he's not someone I should be hoping for but my heart is a betrayer.

Marahan kong pinikit ang aking mga mata at humakbang paatras. Binitawan ko ang seradura ng pintuan at tumalikod para ayusin ang sarili.

Pinilig ko ang aking ulo at huminga ng malalim. I bit my lower lip and waited for him to come to me, hindi ko kakayanin na ako ang kusang lumabas ng pintuan at baka maabutan ko pa siyang nakamasid pa rin sa kanya.

I gulped when I heard the creaking sound of the door.

Minulat ko ang aking mga mata at pinilit ang sarili na lumingon sa kanya. Sa pag-pilit kong iyon ay siya rin pag-litaw ng pekeng ngiti sa aking labi.

"Hey... akala ko nag-hintay ka nalang sa labas. Pasensya ka na, may inayos lang ako pero tapos na ako... let's go." Tuloy-tuloy kong sabi.

Hindi ko na siya hinintay pang mag-salita at nag-lakad na. Hindi ko alam kung napansin niya ba ang kakaibang kilos ko dahil siya mismo ay tumabi para makadaan ako, muli kong inabot ang seradura ng pintuan at binuksan 'yon para makalabas.

I didn't even bother waiting for him, I continued walking away even though I can hear him slightly calling my name. I heard his footsteps from behind but my eyes remained in front. Afraid that my expression would show something I don't want him to see.

"Kath..." Tawag niya sa akin gamit ang kanyang malambot na tinig.

I gulped once more.

"Bilisan na natin, para makauwi ka rin agad." I managed to say despite of the feeling that something is punching my heart.

"Hey..."

I felt him touched my elbow and I suddenly felt the need to flinch because of the sudden flow of electricity but before I even react, buong lakas kong pinigilan ang sarili ko.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon