Page 10

40.9K 1K 33
                                    

Don't make me jealous

'Kathleen Fae Camongol of Landford Hospital and Carl James Montgomery of the Montgomery Prime Holdings are dating! The two were spotted in a charity event--'

Napailing nalamang ako at mabilis na tinalikuran ang telebisyong nakasabit sa lobby ng hospital. Hindi ko na hinintay marinig ang sasabihin ng mga taong puno ng kuryosidad habang nakatutok ang mga mata at tenga sa telebisyon.

Buong umaga akong umiiwas sa mga tao dahil alam kong laman na ako ng balita. I haven't spoke to Carl yet, I'm not even sure if we need to talk about this. Parang ako lang naman ang problema ang tingin dito sa balitang 'to.

I don't even know if I have the right to call him or to ask him..

After yesterday night, buong gabi kong iniisip kung ano na ang mangyayari. Gusto kong sabunutan ang sarili ko pag naiisip kong nag-padala ako sa kanya. Tipong, napasunod nalamang ako at hindi na naman nag-isip ng maayos kung tama pa ba ang mga ginagawa ko.

I was just overwhelmed.

I was feeling to happy, that it should be forbidden.

"Are you living alone?" Tanong niya habang tinatanaw ang condo unit kung saan ako naninirahan.

Lumingon siya sa akin para makakuha ng sagot.

Umiling ako na siya namang panliliit ng kanyang mga mata. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapangiti habang pinagmamasdan ang pag-sama ng kanyang ekspresyon na para bang may nasabi akong hindi maganda.

"What? Who's living with you--"

"I'm living with a friend." Maagap kong pag putol sa kanyang sasabihin.

Pero hindi pa rin nabura ang pag-ngiwi niya. Nanatiling nakakunot ang kanyang noo at madilim ang tingin sa akin.

I rolled my eyes. "For your information, my friend is a 'she'" dagdag ko.

With that, his expression immediately changed. From his dark eyes glaring at me to a smile forming on his lips.

Napabuga ako ng hangin dahil sa kanyang ekspresyon at pinilig ang aking ulo.

"Ewan ko sayo, Carl. Hindi ko alam kung bakit ko kailangan sagutin ang mga tanong mo pero pag-bibigyan na kita para matigil ka na."

He shrugged and took a step closer to me. I can't help but to step backwards. Muli kong naramdaman ang pagka-buhol ng kung ano sa lalamunan ko habang tinatanaw ang mga mata niyang may bakas na ng pagod.

He's tired.

He should go home..

"Goodnight, Kathleen. I'll see you tomorrow." Aniya sa malambing na boses.

Lihim akong napamura dahil sa kanyang sinabi. 'Yon lang pala ang sasabihin niya, kinailangan niya pang humakbang palapit sa akin, pakiramdam ko tuloy tuwing humahakbang siya palapit ay siya rin pagka-ubos ng hangin sa katawan ko.

Hindi maaari! Kailangan kong bawasan ang pagiging apektado ko!

But wait, tomorrow? Makikita ko siya bukas? Sigurado ba siya? Hindi kaya mawala nalang siya na parang isang bula ulit? O kaya, bumalik sa pagiging malamig sa akin?

"Bukas? I'll see you tomorrow? Are you sure about that? I mean.. you don't have any obligations to see me so there's no need to tell me that you'll do." I said with pure honesty.

Hindi na ako mahihiyang sabihin pa ang tumatakbo sa isip ko, mas mabuti ng alam niya na hindi ako agad-agad napapaniwala sa mga salitang alam kong malaki ang tyansang hindi mapapanindigan.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceWhere stories live. Discover now