Page 16

33.6K 936 68
                                    

Hello to skieschanges! The girl who was confused with Hazel and Kathleen. Nababasa ko lagi ang comments mo at lagi mo ako napapangiti sa mga iyon. I hope everything is clear to you now. Thank you so much for reading Take A Chance!

Take you home

"What are you talking about?" May bahid ng sakit at pagkalitong tanong sa akin ni daddy.

Umiling siya na mas lalong nagpa-kirot sa aking puso. Sumasakit ito dahil alam kong nasasaktan ko ang taong sobra kong minamahal, at kahit gaano niya pa ako nasaktan at nasasaktan, kahit kailan ay hindi ko hiniling na masaktan siya.

That's why I gave up everything for his happiness.

Even this house...

My supposed to be perfect life...

My right to be here and to claim what's mine.

"I will never disown you." Puno ng hinanakit niyang sambit.

But you already did. The moment you chose them instead of me... instead of mom, you already did and I choose to understand that they're your happiness now.

This are the words that I want to tell him, words that I want to express but afraid that it will hurt him more because I know it will tear him apart... or maybe not.

I bit my lower lip while my eyes are glued to my dad's. Mataman lamang akong nakipag-titigan sa kanyang mga mata, umaasang makita niya rito ang sakit at lungkot na dala-dala ko araw-araw.

Sa bawat segundong lumilipas na nakatingin ako sa mga mata niya, hindi ko inakalang may isasakit pa lahat ng nararamdaman ko.

Because it made me realize that he's not my father anymore.

"Hon, let her be. Hindi na marunong gumalang ang batang iyan." Ani Cecilia.

I didn't waste my time shifting my attention to her.

Nanatili lamang akong nakatingin kay daddy habang siya naman ay hindi alam kung saan itutuon ang kanyang mga mata. Hindi ko mapigilan ang bahagyang mapangiti sa loob-loob ko, ngiti hindi dahil masaya kung hindi dahil hindi na ako gaanong nasasaktan na ganito siya.

Dahil dati pa man ay nakita ko na kung ano lang ang halaga ko sa kanya, I know he loves me... I know he does but not to the extent of being his priority.

I'm not even on his list, I guess.

"I don't want to ruin your dinner, dad... but I did. I just went here... kasi gusto kitang makita. I'm so sorry. I'm sorry for ruining it." Iniwas ko ang aking mga mata.

"I'll go now. Again, I'm sorry."

Kinuha ko ang aking bag at tuluyan na akong humakbang paalis sa aking kina-uupuan pero hindi pa man ako nakaka-ilang hakbang ay natigilan na ako dahil sa tanong na lumabas mula sa bibig ni daddy.

Parang nabasag ulit ang puso kong pinaghirapan kong mabuo sa napaka-habang panahon.

I worked so hard for it to get fixed, only to be destroyed in a second.

"Do you still believe that your mom is alive?"

Naramdaman ko ang pag-patak ng isang butil ng luha sa aking mga mata at dahil masunurin ang iba ay sumunod agad sila at nagsi-patakan.

Kasabay 'non ay ang sobrang pananakit ng tyan at puso ko.

I really feel throwing up.

Tumango ako. "Yes."

Narinig ko ang pag-singhap nila dahil sa aking sinabi. Nanginig ang aking pang-ibabang labi sa sobrang pag-pipigil ng nararamdaman at ramdam ko rin ang init ng tingin sa akin ni daddy.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceWhere stories live. Discover now