Page 37

28K 905 187
                                    

Hello my Inspirados! I know I've been very cruel. Napakatagal nga naman. The last update was last year, June. I must say, it was overwhelming to read everyone's comments. It kept me going. Nakakataba ng puso lalo na sa mga patuloy na nag hihintay. Gusto kong replyan lahat pero naisip kong mag bigay nalang ng maikling mensahe dito.

A lot has happened, if you're a member of the group in Facebook, hindi naman lingid doon lahat ng mga nangyayari sa akin.

But to inform everyone, I already graduated from my 1st degree. Isang taon nalang para sa 2nd degree ko then board exams. I've thought of giving up Wattpad permanently. Yes, dumapo yon sa isipan ko pero I guess... mahal na mahal ko 'to kaya hanggang ngayon nandito pa rin ako.

Maraming salamat sa mga nag hintay.


I am his father

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Adrian kay Dos na nakayuko lamang habang nakaupo sa sahig.

We are infront of the operating room. Karating namin dito, si Dos lamang ang nadatnan namin na tila wala ring buhay dahil sa pagkaka-upo niya sa sahig. Kita ang pagod sa kanya at hindi maitatago ang bakas ng dugo sa kanyang damit.

Halos hindi ko siya matignan. Hindi dahil sa galit ako kung hindi dahil alam kong dugo ng anak ko ang nagkalat sa damit at kamay niya.

I can't even imagine what happened...

I don't even want to think about it.

"What happened? Diba sinabi mo na ikaw ang susundo sa kanya? Paanong naaksidente ang bata?" Dagdag na tanong ni Adrian.

"I am sorry..." Ani Dos habang lumuluha.

Umiling siya at napatingin sa kamay na puno ng natuyong dugo ng anak ko.

Nilapitan siya ni Alice at napaluhod sa tabi ng kapatid niya. Inabot niya ang kamay nito at dahan-dahang pinunasan gamit ang sariling panyo.

"It was my fault. The car..."

I can sense fear from him. Hindi ito makakabuti sa kanya. The horror in his eyes show that it wasn't a nice sight for him.

"The car... it hit him because... I was... I... I am so sorry—"

"Please stop this..." I asked while my tears start falling.

Tila nakikita ko ang imahe ng anak ko habang tinatamaan ng sasakyan. Hindi ko kaya, hindi ko kayang marinig mula kay Dos 'yon. Besides, it won't do him good to explain now. Walang idudulot na maganda kung ngayon niya ikekwento.

I know him, alam kong hindi sadya 'yon. It was an accident, I am sure.

"Let's not talk about this here. Just please... stop." I asked again and I felt Evangeline's arms hugged me.

"Carl!"

Mabilis akong lumingon doon at nakitang nakatayo na si Dos habang hawak-hawak ni Carl ang kanyang kwelyo. Kita ko ang higpit ng pagkakahawak ni Carl ngunit hinang-hina lamang si Dos habang nakatingin sa kanya.

"Carl! Ano ba? Itigil mo 'yan! Nasa hospital tayo!" Bawal sa kaniya ni Uno.

Sinubukan siya hilahin palayo kay Dos pero iwinaksi niya lamang ang kamay ni Uno na humawak sa balikat niya.

"You asshole! Ano na naman ang ginawa mo?!" He roared.

Halos tumaas lahat ng balahibo ko sa pag-sigaw niya.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceWhere stories live. Discover now