Wakas

17.9K 377 46
                                    

Mga Inspirado! Thank you for reaching this chapter!

I know it took a while. A long long long time to actually publish this chapter. Huling update ko ay last year October pa, halos mag-iisang taon na rin, pero ito ako ngayon, sinasara ang kwentong nag turo sa atin ng maraming bagay. 

I learned alot from this story and I hope you did too.

Thank you very much for all those who waited and gave this story love and chances. Hope you enjoy and carry loads of love while reading this.


Ikaw at ako ay iisa


"Are you ready?"

Napalingon ako sa bintana ng sasakyan at nakita ang matalik kong kaibigan na nakadungaw sa akin.

He is wearing a combination of white and blush pink tux, 'yon kasi ang color theme ng kasal. Ayos na ayos ang kanyang buhok na nagpangiti sa akin.

"Ad!" Masaya kong bati sa kanya.

Malakas ang kabog ng dibdib ko kanina pa, para bang sisilaban ako sa kaba lalo na at nakikita ko ang maraming tao mula pa lang sa labas ng simbahan.

Ang gusto ko sana intimate wedding, yung kami-kami lang... pero mukhang walang ga'non sa bokabularyo ng mga Montgomery. They invited almost everyone dear to them, may iilang press pa na pinayagan para mag cover ng kasal. Nalilimutan ko kasi na napaka importanteng tao ng asawa ko. He is Carl James Montgomery after all, ang isa sa mga panganay ng mga Montgomery, a very successful CEO of their company, no bad records, helps the charity and a man with connections... my soon to be official husband.

While me... I only have my mom, Carlisle and my best friend Georgina to invite.

Ngiting-ngiti si Adrian nang mag tama ang mga mata namin.

"You nervous?" Tanong niya.

Napabuntong hininga ako at napahawak sa dibdib ko. Tumango ako, "Yes, very." Pag-amin ko.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, yung parang may lalabas na rainbow o di kaya mga fireworks pero sa kabila 'non parang hihimatayin din ako sa kaba.

"You shouldn't be. Lahat ng taong nandito, mahal na mahal ka at masaya para sa'yo. This is all for you, Kath." 

Napaawang ang labi ko sa narinig pero agad ko rin nabawi 'yon. Napangiti ako ng matamis at naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. 

Lahat ng taong nandito, mahal na mahal ka at masaya para sa'yo. 

I remember wanting a big family, I remember dreaming about what I have now and here it is, Carl made it all possible for me.

"You are so beautiful, Kath. Very beautiful." Ani Adrian habang pinagmamasdan ako.

Mas nag-init pa ang aking mga mata dahil sa mga nag babadyang luha pero ginawa ko ang lahat para mapigilan ang mga iyon. Tinignan ko ang rear view mirror kung saan nakikita ko ang repleksyon ko.

My hair was neatly styled in a bun, I am wearing a very beautiful long sleeves lace dress that is in color blush pink, my make up was just how I like it to be, very simple and elegant, leaning in colors gold and light pink and a smile seems so permanent... hindi ako matigil sa pag ngiti sa sobrang saya.

Hindi ko akalain na mamahalin ko ng sobra ang sarili ko ng ganito, na makita ko lang na masaya ang sarili ko ay parang mas kaya ko pa mag mahal... parang bawat minuto, kaya kong mahalin ng higit pa sa akala kong kaya ko ang lalaking nag hihintay sa akin sa dulo ng altar.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon