Chapter 21

4.4K 72 4
                                    

Ok na yung injury ni Ethan. Thank Goodness! Back to reality na ulit sya. Doon ko naalala yung impaktang mapagpanggap na si Bethany.

"So, ito ang penthouse ng asawa mo?" nagpumilit si Mallow na pumunta dito kaya isinama ko sya. Wala naman si Ethan eh.

Tumango ako. "Yap."

Humarap sya saken at ngumiti ng nakakaloko. "So, how's the feeling of being married to him?"

Napasimangot ako. Ito ang ayaw ko eh. "Ok lang."

"Weh?" may pang-aasar na sabi nya

"Totoo nga."

She make face. Umupo sya sa sofa at tiningnan ako. "I'm not satisfied in your answer, Channy."

I rolled my eyes. "Ano bang gusto mong marinig?"

"Hmm. Fine." Nag-isip sya "Magtatanong na lang ako then sasagutin mo. Game?"

Umupo ako malapit sa kanya. Tiningnan ko sya kung seryoso sya. "Seryoso?"

Tumango sya. "Game?"

Napabuntong-hininga ako. "Sige na nga. Game."

"Anong klaseng asawa ba si Ethan sa iyo?" ano ba yan! Mapapasubo ako dito eh.

Nagkibit-balikat ako. "Ok lang."

Tinaasan nya ako ng kilay. Oh no. "Answer my question Channy. This is not a joke."

"Ok lang syang asawa. Mabait ng konte. Kadalasan, wala sya dito kapag araw pero umuuwi sya ng gabi. Last last time, sinama nya ako sa St. Jude. Isang ampunan. Pinakilala nya ako sa mga madre doon at mga bata. Doon ko nakita ang ibang side nya kaya nasabi kong mabait sya ng konte." paliwanag ko

"Paano mo nasabing mabait sya ng konte?" natatawa nyang tanong

Natawa na din ako ng maalala ko yung nangyare noon. "Dinala nya ako doon ng walang sabi-sabi. Hindi nya ako sinabihan. Hindi ako ready. Wala man lang akong dala. Kaya ayun, mabait lang sya ng konte."

Ngumiti sya. "May dinadala ba syang ibang babae dito?"

Nag-isip ako at napasimangot. Tumango ako. "Meron. After ng kasal namin, dinala na nya ako dito. Nang makarating kami dito ay may nag-aabang na agad na hipon sa may pinto." tss.

"Hipon?"

Napairap sya. "Hipon. Babaeng malandi na maganda ang katawan pero patapon ang katawan."

Napa-oh sya sa sinabi ko. Totoo naman eh. "Is he treating you right?"

Nag-isip ako. Minsan, kapag uuwi sya ng gabing-gabi na ay nagte-text sya saken. Kapag napaaga naman ang uwi nya ay kadalasang may dala syang pagkain kahit hindi ko sabihin. "As of now, oo. Ok naman ang trato nya saken maliban na lang sa pagiging bully nya saken. Palagi nya akong pinipilit na sumama sa conference nya."

"About saan ang conference na yun?"

"About marriage." sabi ko.

"Its given Channy. Asawa ka nya kaya hindi imposible na isama ka nya. He has a reason." pangaral pa nito.

"Fine. Next question." sabi ko na lang

Tumawa sya. "Nahalikan ka na ba nya?"

"No!" sagot ko agad pero mukhang hindi kontento si Mallow sa sagot ko. "Hindi counted yung aksidenteng kiss namin sa daan. No. No. No. Hindi counted yun."

"Ok." itinaas pa nya ang dalawa nyang kamay.

"I heard, na-aksidente sya. Nag-alala ka ba sa kanya?" tanong na naman nya

Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon