Chapter 18

4.6K 74 3
                                    

Nakatitig lang ako sa ceiling habang hinihintay na dalawin ako ng antok. Dahil sa dami ng nangyare kahapon ay hind man lang ako nakakuha ng matinong tulog. Sino ba naman ang hindi. Di ba? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dapat talaga hindi na ako sumama kay James. O kaya naman, umuwi na lamang ako. Hays. Ang bilis kasi ng reflexes ng mga pinsan ni Ethan. Nang tangkang tatakas ako ay agad nila akong sinama sa kanila. Ayun. Wala akong lusot.

Knock knock knock

"Ate Chantel! Nandyan ka ba?" I heard Ely's voice "May ibibigay lang po ako."

"Pasok ka Ely." sabi ko. Tutal hindi pa naman ako inaantok eh. Dahil sa stress kagabi ay kailangan kong bumawi ng tulog sa hapon.

Ngumiti sya nang makita nya ako. May dala siyang isang malaking box. "Ate. Ito ang isosoot mo mamaya."

I frown. "Anong meron?" I opened the box. Isang white flowy long dress.

"Party." she simply added

"Again?" oh no. Rich problems. Three days nga pala itong reunion nila. Dapat hindi na ako nagugulat.

"Yup." with a pop of 'P' "This will be a toast party. Si tita Rose kasi ang nag-insist na magkaroon ng iba't ibang party for three days kaya hinayaan na lang namin." paliwanag nya

"Do I really have to go?"

She chuckled. "I'm afraid so." sabi nya "Mukhang nadala ka sa nangyare kagabi. Don't worry. Sanay na kaming lahat na ganun ang nangyayare kapag nagkikita ang dalawang yun. Si kuya James kasi ay makulit. Si kuya Ethan naman ay bugnutin. Kaya hindi magkasundo ang dalawang yun."

Kayo sanay. Ako hindi.

"Sige na ate. Ako ang pumili ng damit na yan." she added "Basta hintayin kita mamaya ha. Dadaan ako dito bago mag-seven ng gabi. Ok. Bye" nagdali-dali na itong umalis.

Habang ako ay nakatingin sa dress ay nag-aalinlangan talaga ako. Pupunta pa ba ako? Ayokong maging center of attraction ng dalawang ugok na yun. Mukha pa namang pareho silang may saltik ngayon.

"Chantel."

"What!?" sigaw ko. Alam ko na kasi kung sino yun. "Ano ba yun?"

He looked at me like I committed a crime. "Why are you here?" tanong ni Ethan.

I rolled my eyes at him. "First. Hindi ko ginusto na pumunta dito. Second. Wala akong kaalam-alam na reunion ito ng pamilya mo. Third. Si James ang sisihin mo. Sya ang humila saken at hindi sinabi agad na dito kami pupunta sa reunion ng pamilya mo. Fourth. Kung may choice lang ako, uuwi na ako ngayon."

Tahimik lang sya. "Nakalimutan mo na ba yung bilin ko sa iyo?"

"Ano?"

"Stay away from James as much as possible." sabi nya

Susmariosep! "Nilalayuan ko na nga sya eh. Kahit itanong mo pa sa mga fans nya na nakakita samen kahapon. Sya ang kausapin mo. Sinasadya pa nga nya atang galitin ako eh. Lokong yun."

"Nakita na naman kayo ng mga fans ni James na magkasama? Kelan?" tanong ulit nya.

"Sa sm. Kahapon."

He gritted his teeth. "So, you are the mysterious mask girl."

Mask girl? Potek! Ambantot.

"Anong mask girl ang pinagsasasabi mo dyan?" napa-praning na ba si Ethan ngayon.

Kinuha nya yung phone nya at nagtipa. I think he is looking at something. After few minutes, he then gives me his phone. May nakita akong news about that mysterious mask girl. Shetness!

Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDWhere stories live. Discover now