Chapter 11

6.1K 100 3
                                    

Naalimpungatan ako ng may marinig akong tawanan. Napamulat ako at napabangon. "Nasaan ako?"

"Gising na po sya! Gising na po sya!" tuwang-tuwa na sigaw ng isang batang babae. Tumatalon pa ito.

"Hi." ngiti ko sa kanya at nginitian din nya ako.

Sunod-sunod namang nagsi-pasukan ang mga batang hindi ko mabilang. Ang dami! Tapos, may mga madre pa. "H-hello po." awkward kong bati. Hindi ko talaga maalala kung paano ako napunta dito.

"Napaka-ganda mo namang bata. Pagpalain ka nawa ng Maykapal." sabi ni Sister na nakangiti saken

"At last, nagising ka din. Tulog mantika. Tss." napatingin ako sa may pinto dahil hindi ako magkakamali na boses yun ni Ethan.

"It's just a nap." rason ko

He sigh. "A nap? Eight hours nap? Seriously?"

"Hijo?" tawag ng isa pang madre na pagkakarinig ko ay Sister Malou ang pangalan. "Samahan mo sya sa hapag. Kailangan na nating kumain."

Isa-isa na silang lahat na umalis at ang naiwan lang sa kwarto ay ako at si Ethan. Nang magkaroon na ako ng pagkakataon na wala ng ibang makakakita ay agad kong kinurot si Ethan. "Saan mo ba ako dinala ha? Baliw ka na ba?" singhal ko

"Sinabi ko naman sa iyo na dadalhin kita sa lugar kung saan di ka pa nakakapunta. Heto na. Nandito tayo sa Saint Jude Orphanage." paliwanag nya habang hinihimas ang bahagi na kinurot ko.

Inirapan ko sya. "Bakit hindi mo agad sinabi saken? Ni hindi ako nakapaghanda? Wala man lang akong maiibigay sa kanila?"

"Don't worry. I already did. Besides, I've been doing this for decades. Ok."

Really? Decades? Kung totoo, mapapa-wow talaga ako. Good samaritan din pala itong si Ethan. Akala ko puro kayabangan lang ang alam. "Hindi ka ba magbibihis? Magpapalit ng damit, manlang?"

"Wala akong dala." nakasimangot kong sabi

"I told you. I already did. Nasa cr na yung isusuot mo. Nakalagay sa brown paper bag." sabi nya at akmang aalis na. Aba, mukhang pinaghandaan.

"Saglit lang." pigil ko. "Hindi mo ba ako hihintayin?"

"Wala akong balak kang panoorin. Bilisan mo na. Sa baba na lang kita hihintayin." naiinip na sabi nya "Paki-bilisan din ng kilos. Kanina pa kami hindi kumakain kasi hinihintay ka naming magising." by that, he left me.

Wait? Hinintay? Tiningnan ko agad ang wall clock. 10:35 am na. Hindi pa sila nagbe-breakfast? Argh! Nakakahiya. Kailangan kong bilisan. Baka abutan kami ng tanghalin kung hindi ako magmamadali.

Agad-agad akong tumakbo sa cr at naglinis ng katawan. "Nakakahiya! Nakakahiya!"

"Mahal naming Ama. Maraming salamat po sa pagkain na nasa harapan namin na aming pinagsa-saluhan. Maraming salamat din po dahil nakasama namin ngayon si Ethan at ang kanyang kaibigan na si Chantel. Nawa'y ilayo nyo kami sa tukso at patnubayan sa lahat ng oras. Ito po ang aming samo't dalangin sa matamis na pangalan ni Jesus na aming panginoon. AMEN!"

"Amen!" sinabayan namin si Sister Nancy, yung nagsabing maganda daw ako.

"Kain na tayo." sabi naman ni Sister Ingrid "Kumain lang ng kayang kainin." paalala pa neto

Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDWhere stories live. Discover now