Chapter 17

4.8K 80 7
                                    

It's saturday. Yay! Saturday is grocery day. Dahil busy ang 'mahal na hari' kaya ako ang mag-go-grocery. Pshh. One week ko syang tatawaging 'mahal na hari.' Ew. One week kasi ang validity ng consequence ko. Three days na lang, I'm free!


"Use my card." sabat ni Ethan habang prenteng nakaupo sa sofa. Susunduin kasi sya ni Philip mamaya. May errand daw sila eh. Hindi na ako nagtanong kasi wala din naman akong pake.


Inirapan ko sya. "Malamang. Wala kaya akong pera."


At ang hudyo, wala talagang matinong magawa sa buhay. Hinagis ba naman saken yung card holder nya. Sapul sa mukha! Bull's eye. Leche.


"ABA'T!" gigil ko "Nananadya ka ba? Ha?!"


Tumango sya. "Yes. You look like a tiger when you're pissed."


Pssh. Tiger?


Naalala ko na naman yung lokong James na yun. Bwisit! Naging talk of the town ako ng dalawang araw dahil sa kanya. Mabuti na lang at magaling mag-handle ng issues si Philips. Naayos agad ang problemang ginawa ni James.


"Nah. Just kidding. Ang panget mo kapag nagagalit ka." natatawang komento nya

Binato ko sya ng notebook na nadampot ko. Ewan ko kung kanino yun. "Mas panget ka!"

"No. I'm not." mayabang nyang sabi "Hindi ako magiging sikat kung hindi ako gwapo."

"Mayabang!"

"Gwapo naman." hirit na naman nya. Hay. May napapansin ako. Netong mga nakaraang araw, sa tuwing nag-aasaran kami ni Ethan palagi akong talo. Bakit ganun?

"Malandi." bulong ko.

Wala lang. Nasabi ko lang. Wala akong masabi eh.

"What?" yes. Ligtas.

"Ang sabi ko PO ay ikaw na ang gwapo. Ako na ang panget para tapos ang usapan, mahal na hari." note the sarcasm

"Good."

Wait until I get my revenge. Hah! Lintik lang ang walang ganti.

Ano kayang pwede kong gawin? Itago ko ang favorite necktie nya? Itapon ko kaya ang mamahalin nyang action figure? Ibenta ko kaya mga paborito nyang damit? O kaya naman, magtawag ako ng mga fans nya at sasabihin ko kung ano ang schedule nya for the whole month. Oh my gash! Brilliant idea bes. Brilliant!

"What are you waiting for?" bored na bored na tanong ni habang nakatingin saken.


"Aalis na po ako 'mahal na hari.'" inis na sabi ko "May ipagbibilin ka po ba? Ha. Meron ba?"


"Fruits. Grapes and apples."


Aba't ang loko. Sinasagad talaga ang pasensya ko. "Opo. Mahal na hari."

Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon