Chapter 14

5K 104 0
                                    

Tahimik lang ako habang inaayusan ako ni Amie. Ang bagong make up artist ni Ethan. Nag-apply na sa abroad ang dati nyang make up artist kaya nag-hire sya ng panibago. Hindi katulad dati na pahirapan pa bago ako pumayag pero ngayon ay iba na. At kung dati, ako lang ang mag-isa na pupunta sa venue, ngayon ay hindi na. Kasama ko na si Ethan. Natakot sigurong masuntok ko ulit dahil na-late sya.

"Sir Ethan." tawag ni Amie habang inaayos ang buhok ko "Hair down or hair up?"

Tiningnan ako ni Ethan. Umiwas agad akong tingin. Awkward! Pinilit ko talagang hindi sya tingna. "Hair down."

Tumango si Amie. "Ok sir."

Hinayaan ko na lang si Amie sa kung ano man ang ginagawa nito. Trabaho nya ito kaya wala akong magagawa. Sana lang bumagay saken kung ano man ang ginagawa nya ngayon.

Pangalawang presscon ko pa lang ito na kasama si Ethan. Kinakabahan pa din ako. Hindi ko nga din alam kung para saan ang presscon na ito. Tungkol saan at bakit. Alam naman ni Ethan na ayaw ko sa ganito. "Ma'am nasa kwarto nyo na po yung isusoot nyo." sabi ni Amie "Gusto nyo po bang samahan ko kayo?"

Umiling ako. Kaya ko naman ng magsoot ng damit. Ngumiti na lang ako sa kanya saka tumayo. Hindi ko na nagawang tingnan ang sarili ko sa salamin. Nakatingin kasi si Ethan. Letsugas kasi. Kaya nagdali-dali akong pumunta sa kwarto. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Nagiging abnormal na talaga ako. Hindi na normal ito.

"Breathe Chantel! Si Ethan lang yan." sabi ko sa sariliko para makalma ako kahit papaano. "Huwag kang pabebe Chantel! Act normal."

Ilang minuto pa ang ginugol ko sa pagpapakalma sa sarili ko bago ko lapitan ang damit na isusoot ko. In fairness, maganda yung dress. Navy blue with ruffles. Off shoulder ito at knee length. Tapos nude naman ang kulay ng three inch heels na isusoot ko. Overall, I like my outfit. Hindi man ako ganun ka-fashionista pero nagustuhan ko talaga.

"Ma'am Chantel?" tawag ni Amie

"In a minute." sagot ko at dali-dali nang nag-palit. Masyado ata akong nahumaling sa dress na ito. Ang ganda kasi! Nang naisoot ko na ng ayos ay nagpunta ako sa cr para matingnan.

I love it!

Favorite dress ko na ito. Promise! "Ma'am Chantel? Ok lang po ba kayo dyan?"

"Yes. Ok lang ako." sagot ko

"Kailangan nyo po ba ang tulong ko?" tanong nya

"No need. Lalabas na ako. Wait lang." with one last look, I get out.

In my overall appearance, I looked like simple yet sophisticated. Simple lang ang makeup ko (which I prefer) tapos yung dress naman na sopistikada ang dating.

"So gorgeous!" komento niya

Ngumiti ako "Salamat."

"Baba na po tayo. Kanina pa kayo hinihintay ni Sir Ethan." sabi nya at tumango lang ako.

Kinuha ko lang ang clutch bag ko at sumunod na kay Amie. Kinakabahan talaga ako! Haist.

Wish me luck.

Nakita ko si Ethan. He is facing the exact opposite of me. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na mapagmasdan ang likod nya. He has a broad shoulder that screams masculinity. Halata din dito na may muscles ito kahit pa nakatalikod sya. Matangkad sya at marunong pang kumanta. Fine, gwapo din ito pero mayabang. Teka? What am I doing? No. No! No!?

Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon