Chapter 12

5.4K 107 3
                                    

Sa penthouse lang ako natigil buong araw. Hindi ako nagbukas ng fb, ng tv o kahit gamitin ang laptop ko ay hindi naisipang gamitin. Ewan. Ayokong makabasa pa ng panlalait o akusasyon saken.

Dalawang araw matapos naming bumalik galing sa Saint Jude ay halos hindi ako tantanan ng mga pamba-bash. Hindi ko alam kung saan nila nakuha yun. Ang sabi ni Ethan ay mapa-totoo man o hindi, nangyare na ang lahat. Huwag ko na lang daw pansinin kung ano man ang pinagsasasabi nila. Good point!

"Channy."

Agad akong tumakbo sa pinto. Alam kong si Pipay yun. Sa wakas, dumating din sya! Naki-text ako kahapon kay Ethan. Gusto ko sanang makausap si Pipay kaya lang out of town pala ang loka. Nakabingwit kasi sya ng maganda at stable na trabaho. Good for her. Natutuwa ako para sa kanya.

Agad kong niyakap si Pipay nang buksan ko ang pinto at makumpirma na sya nga yun. "Pipay." medyo naiiyak kong sabi

Hinagod-hagod neto ang likod ko. "Ano ba Channy. Pwede bang pumasok muna? Alam mo ba nung mabasa ko yung text mo ay diretso agad ako dito. Walang ligo. Walang tulog. At walang kain ang beauty ko ngayon." natawa ako. Alam kong gusto lang pagaanin ni Pipay ang sitwasyon

Kumalas ako sa kanya at pinapasok sya. Mukhang totoo nga ang sinabi nya. May bag pa syang dala. "Nasaan ang gwapo mong asawa?" tanong nya kalaunan.

Wow talaga! Hindi na siguro mawawala ang ganito kay Pipay. Hay. "Kanina pa sya umalis. May aayusin daw." Tumango sya. "May pagkain dito. Ipaghahain kita. Kumain ka muna."

Pinakain ko muna sya. Halata sa kanya ang stress. "Wah. Ang sarap. Magluto ka ulit mamaya ha." tuloy na sabi habang kumakain.

"Hindi ko luto yan. Binili ko lang yan." natatawa kong sabi na hindi naman nya pinansin. "Kung kulang pa, mag-order na lang tayo ulit basta ikaw na ang magbabayad. Tiba-tiba ka naman sa trabaho mo eh."

Matapos kumain ni Pipay ay nakiligo ito. Naiinitan daw kasi sya habang ako na mismo ang naghugas ng pinagkainan nya. Alam ko naman na pagod na pagod din ang babaeng yun. Matapos kong malinisan ang kusina ay umakyat na ako sa kwarto. Doon kasi naliligo si Pipay at doon ko na din sya hihintayin. Alam ko naman na alam na nya ang balita tungkol saken.

Ilang minuto mula noong dumating ako ay natapos na din si Pipay. Nagpapatuyo na ito ng buhok. "Peram ako ng blower mo."

Kinuha ko sa ilalim ang blower at ibinigay sa kanya. Hinintay ko lang sya matapos saka ako nagsalita ulit. "Pay' may problema ako."

Tiningnan nya ako. "Haters? Alam ko na yun Channy. Nanonood ako ng news. Huwag mo na silang pansinin. Haters gonna hate, you know. Pero tandaan mo din na huwag mo silang hayaan na siraan ka lalo na kapag sumu-sobra na. Magtimpi ka hanggat kayo mo pero dapat may limitasyon."

Tumango ako. Ito lang ang gusto ko. Ang makahingi ng payo sa kanya at para na din gumaan ang pakiramdam ko. "Haters gonna hate." inulit ko ang sinabi nya.

"Yup! Think positive lang Channy. Good vibes lang." sabi pa neto. "Hala sige. Magbihis ka. Lumabas tayo. Nabalitaan ko din na hindi ka daw lumalabas ng penthouse. Ano ka ba? Huwag mong ipakita sa kanila na apektado ka."

Napasimangot ako. "Wala naman akong ibang pupuntahan kaya hindi ako lumalabas." palusot ko

Umiling-iling sya. "Hindi. Kailangan nating lumabas lalo ka na. Sige na. Magbihis ka na. Yung sexy ha." tinulak-tulak pa nya ako

Contract Wife of the Superstar - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon