Kabanata 43;

1 0 0
                                    

'ELISA'

Nandito kami ngayon sa Gym at katatapos lang ng Game nila Aldrin. Panalo sila syempre. Galing ng bibi ko e. 😍

At ayun po naglapitan na naman ang mga haliparot na mga babae para magpapicture sa bibi ko. =____=+++

"Pft. Itsura mo dyan eli. Ang panget. >:D"

Tinignan ko ng masama si Marie na natatawa sa itsura ko.

"May mas panget sakin, ayun oh." Turo ko kay Kiersten na parang baliw na nakatingin ng masama sa mga babaeng nakaaligid kay Hiro.

"Wow. Selos? Girlfriend? >:D"

Tumawa kaming lahat ng batukan ni Kiersten si Joana.

Mga baliw. Hahaha.

"Guys, Look oh. May lumapit kay JD."

Lahat kami ay tumingin sa gawi ni JD na ngayon ay nagpupunas ng mukha habang nakapoker face na naman. Dahil wala yung nagpapangiti sa kanya. :(

Maraming babae ang nakaabang kay JD para magpapicture pero nilagpasan nya lahat ito.

2 weeks ng hindi pumapasok si Deejay. <\3 Lahat kami ay walang alam sa nangyari, nung pumunta kami sa bahay nila ay wala laging tao. Hindi rin macontact ni Anika sila Tita. :(((

Malaki ang naging epekto samin ng hindi pagpasok ni Deej, lahat kami ay nag-aalala sa kanya at tila may malaking butas samin kapag wala sya. :( Kahit na hindi naimik at puro pambabara ang alam non, love namin yun. T___T

At syempre si JD ang pinaka naapektuhan sa lahat, bumalik na naman sya sa pagiging suplado, hindi na ulit namin sya nakitang ngumiti at hindi na rin sya namamansin ng ibang tao maliban saming mga kaibigan nya. Mukha na naman syang nakakatakot. T____T

Deej. Nasaan ka ba kasi?

"Hi."

Nagulat ako ng pagtingin ko ay nasa harapan ko na pala si Aldrin at wala na sa tabi ko ang mga kaibigan kong baliw at nandoon na kila Jairus.

Iniwan ako?! >____<

"Ang lalim ng iniisip mo ah. Kanina pa kita tinatawag.." sabi nya sabay upo sa tabi ko.

"Sorry. May iniisip lang ako."

Nailang ako ng titigan nya ako sa mukha.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi ka pwedeng mag-isip ng ibang lalaki."

O///////O

"H-hindi ah! Si Deejay ang iniisip ko. >__<"

Tumawa sya at pinisil ang ilong ko.

"Joke lang. :)"

Kainis to! >\\\\\\\<

"Wala pa rin ba kayong balita tungkol sa kanya?"

Malungkot na umiling ako. Hinawakan nya ang kamay ko at dinampian ng halik iyon na nakapagpamula sakin.

"Ano ka ba.. Maraming tao dito.. Baka bugbugin ako ng mga babae mo. >\\\\\<"

Tumingin ako sa paligid at hindi nga ako nagkakamali. Kung nakamamatay lang ang tingin baka pinaglalamayan na ako.

"Ikaw lang ang babae ko at wag kang mag-alala.. Ipagtatanggol naman kita. :)"

Luh. Ang landi. sheyyyyyyt! ^O^

"And i'm sure naman na iniisip din kayo ni Deejay at alam nyang mag-aalala kayong lahat sa kanya kaya sigurado akong magiging maayos din ang lahat. :)"

Journey to ForeverDonde viven las historias. Descúbrelo ahora