Kabanata 38;

12 0 0
                                    

DEEJAY's POV

"Bakit?"

Pinipigilan ko ang matawa.

"Napansin ko lang, may kamukha ka din palang unggoy."

Nanlaki ang mga mata nya at pagkaraan ay humaba ang nguso na nakapagpatawa sakin.

*Click*

Sabay kaming napalingon sa mga kasama namin. Mga nakanganga pa sila..

Problema na naman nila? -___-

"Wow. *O*"

"Bakit po ang ganda ganda nyo? *u*"

Napangiwi na lang ako.. Maya-maya ay nawala na sila sa paningin namin at may iba namang nilapitan.. Sila yata yung magdyowa kanina, Yung prinsesa at prinsepe daw. -__-

Pamilyar lang yung lalaki.. Parang singer? Hmm.. Bahala na nga kung sino man sya.

"Nagugutom ka na ba?"

Tumingin ako sa kanya.

"Medyo."

Kahit gutom na gutom na talaga ako. =____=

"Kain muna tayo."

Akmang hahawakan nya ako sa kamay ng may maalala ako at umiwas sa kanya. Nagtataka na tumingin sya sakin.. He looks worried.

"Bakit? May masakit ba sayo?"

Muntik akong matawa sa itsura nya pero pinigil ko..

"Akala ko ba magpapapicture ka
pa sa tabi ng Lion at crocodile? *smirk*"

Hindi ko na talaga napigilang hindi matawa ng makita ko ang pamumutla ng mukha nya. >:D

12:30 na kami nakakain. Ang dami naming nakain parehas..

Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga muna kami sa Park.. Isang oras din kami doon tapos nagzip line kami.. Ang saya eh! ^____^

Ang dami pa naming sinubukan, mga bandang alas kwatro ng naisipan naming sa Amusement Park na kami..

Kapapasok pa lang namin ay napansin na namin na may tinitignan ang mga tao.. Nakita namin ang tinitignan nila..

Isang babaeng maganda ang nakaupo sa sahig at tila pinipilit na isama ang lalaking nakasumbrero at nakashades na mukhang lulubog na sa kahihiyan...

Tinitigan ko ng mabuti ang lalaki.. Parang kamukha nya yung member ng isang favorite kong Boy group!

Jinyoung of B1a4!

Pero bago ko pa maconfirm kung sya nga iyon ay may humila na sakin papalayo sa lugar na yon. =___=

Nakasimangot sya habang hinihila ako papalayo doon.

"Problema mo? -__-"

Tumigil sya sa paglalakad at humarap sakin ng salubong ang mga kilay.

"Tingin ka ng tingin doon. Mas gwapo naman ako don!"

Yabang! O.O

Napapailing na lang ako sa kanya. Baliw din talaga eh. Magpinsan nga sila ng Jairus na yon. =____=

Sa Bump Car kami unang pumunta then Rio Grande.. Tawa na ako ng tawa nang sa Viking na kami sumakay at sa Roller Coaster.. Namamaos na sya kasisigaw at ako naman halos mamatay na sa katatawa! >:D Laughtrip mga dre!

Bilang ganti daw sa katatawa ko sa kanya ay hinila nya ako papunta sa Horror House..

And this time ako naman ang halos mawala ng boses kasisigaw.. >_____<

Journey to ForeverWhere stories live. Discover now