Kabanata 26:

3 0 0
                                    

DEEJAY's POV

Hinila na ako palabas ni Baku. Sa hindi ko malamang dahilan parang hindi ako naiinis sa kanya ngayon. -___-

Nang makita ko sya kanina parang nawala yata yung kirot ng ulo ko. Gumanda pa ang mood ko ng lapitan nya ako kanina.

Nababaliw na yata ako. -__-++

Hawak pa rin nya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta da Cafeteria at syempre pinagtitinginan kami. Panaka naka kasi ang tingin nya sakin tapos kapag titingin ako ngingiti sya. Pero hindi na ako ngumingiti. Nakatingin lang ako sa kanya.

May bayad ang ngiti ko. =___= Dumami naman ang mga bubuyog at langaw pagpasok namin ng Cafeteria dahil puro bulungan na ang naririnig ko.

Sakalin ko kaya sila isa-isa? =___=

"Don't mind them."

Napaangat ako ng tingin sa kanya dahil mas matangkad naman talaga sya sakin.

"Ha?"

"Wag mo ng pansinin ang mga yan. Ngayon lang sila nakakita ng Tao." Natatawa nyang sagot.

Napatango tango naman ako.

"Ahh... Ngayon lang pala nila ako nakita since ikaw hindi ka naman tao."

"What?!"

→_→

"Tao ka ba?"

Ngumisi naman sya.

"Pick up line ba yan?"

Ano daw? Pick up line? Bakulaw na nga, Alien pa. =___=

"See? Hindi ka nga tao. =___="

Ngumiti naman sya.

"Tss. Ngiti ng ngiti. =___="

Nagulat ako ng tumawa sya ng malakas. Tinitigan ko sya na para syang nababaliw.

"Problema mo? Nahawa ka na ba sa baliw na magbestfriend?"

Natatawa na umiling sya.

"Ofcourse not. Natatawa lang ako sayo." Nakangiti pa rin nyang saad.

"Kailan pa ako nagpatawa? -___-"

"Sabi mo kasi ngiti ako ng ngiti."

"Oh anong konek? =___="

Ngumisi na naman sya.

"Apektado ka ng ngiti ko. :)"

O___o?!

"Ako?" Sabay turo ko pa sa sarili ko tapos tumango tango sya.

"Dream on, Aquino. =___="

Tumawa lang sya at lumapit na sa Counter. Iniwan nya ako sa isang table. Nakapangalumbaba ako ng may naglapag ng isang chuckie sa harapan ko.

Hindi ko na tinignan yung naglapag basta kinuha ko na lang yung Chuckie tapos nilagyan ko ng straw at ininom. Napaangat ako ng tingin sa taong nasa tapat ko. Tumatawa na naman sya. =__=

"What?" Angil ko sa kanya. Ngiti ng ngiti eh. -____-++

"Nothing." Tapos ininom din nya yung binili nyang tubig.

Hindi ko sya pinapansin kahit na nakatitig lang sya sakin.

"So..."

→_→

"You like sweets huh?"

Ngumiti sya ng pilyo.

"Ano ngayon? =__="

Journey to ForeverWhere stories live. Discover now