Kabanata 25:

5 0 0
                                    

DEEJAY's POV

"DIANEEEEE!"

-____-+++

Shit. Ang sakit ng ulo ko kagabi pa. Parang binibiyak. >_____< Hindi lang ako naghinaing kay Mama dahil mag-aalala sila sakin. Uminom naman ako ng gamot kagabi pero may konti pang kirot.

"DIANEEE JOYCEEE!"

Shit. Mababasag ang eardrums ko sa Johny Bravo na to! =___=++ Hindi na ako magtataka kung may biglang bumaril sa kanya ngayon dahil sa nakakabulahaw nyang boses. -____-++

Inis na inis na bumangon ako at tinignan ko sya ng napakasama!

"WHAT?!"

Mukhang namang nasindak sya sa itsura ko dahil umatras pa sya ng konti.

"Ang dragon talaga ng kapatid kong to. Kanino ka ba nagmana?! Nakakatakot ka kayang gisingin!" Nagkakandahaba pa ang nguso nyang nagrereklamo na may kasama pang pagpadyak.

"EH BAKIT MO PA AKO GINISING?! Tss."

Oo. Alam kong mukha akong papatay ngayon. Hindi ko talaga gusto kapag ginigising ako. -___-++ Lalo na ngayon na ang sakit ng ulo ko.

Lumukot lalo ang mukha nya at tila naiiyak na lumabas ng kwarto ko at sumigaw..

"Mamaaaaa! Si Diane oh! Sinisigawan ako! Maaaaa! TnT"

Nakarinig ako ng mga yapak ng paa. Umakyat siguro si Mama. Tinignan ako ni Johny Bravo tapos nagsasign ng "Lagot ka."

Oh god. Kailan ba tatanda ang kapatid kong to? Kapatid ko ba talaga yan?! >___<

Ampon lang yata ako. -___-

Nakita kong dumating na si Mama na nakangiti. Ampon nga yata ako. Palangiti si mama, ako hindi. =___=

"Ano na namang kalokohan ang ginawa mo daniel?"

Nagpout na yumapos si kuya kay mama tapos tinuro ako.

"Mama naman! Si Diane nga ang nang-aaway eh! Sabi sayo ayoko syang ginigising eh. Inaaway ako. T____T"

Tinignan ko sya ng masama. Tinignan din ako ni mama at nakangiti na umupo sa gilid ng kama ko.

"Anak.. Tinatarayan mo na naman ang kapatid mo.."

Kusang lumambot ang expression ng mukha ko ng lumapit si Mama sakin. Mahina ako pagdating kay mama.

"Sorry ma. Nahirapan lang po kasi talaga akong makatulog kagabi."

Lumapit naman agad sakin si Kuya at umupo sa kabilang side ko sabay hawak sa kamay ko.

"Why anak? Umaatake na naman ba ang sakit ng ulo mo?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni mama.

Dahan-dahang tumango ako. Nagkatinginan si mama at kuya na may pag-aalala sa mukha.

"Napapadalas ang atake ng sakit ng ulo mo, princess."

Napatingin ako sa kuya ko. Timatawag nya akong Princess kapag nasa katinuan sya lalo na kapag tungkol sa sakit ko.

Yes, may sakit ako. Lagi akong nananaginip pero tuwing gigising ako hindi ko na maalala iyon. Tila lagi akong takot magisa at ayoko sa madidilim na lugar at masisikip. May takot din akong magtiwala sa mga tao, makisalamuha sa kanila dahil pkiramdam ko iiwan din nila ako. Ang sabi nila nagkatrauma ako kaya nagkaganito ako pero wala akong maalala na kahit ano kung bakit nagkatrauma ako. Ayaw namang sabihin sakin nila Mama dahil makasasama lang sakin ang maalala iyon kaya hindi na ako nagpilit pang malaman iyon. Sa hindi ko malamang dahilan, natatakot din akong malaman ang dahilan nito..

Journey to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon