Kabanata 32;

9 0 0
                                    

DEEJAY's POV

"Dianeeee! Kapatid!"

Nakasimangot na bumangon ako sa kama at binuksan ang pinto.

"Ano na namang kailangan mo Johny Bravo? -___-++"

Mukha namang nasindak na naman si Kuya sa itsura ko.

"Grabe ka naman sis. May mga bisita ka lang.. Tyaka hello? 2 PM na kaya! Nagpuyat ka naman."

"Sabihin mo sa kanila umalis na sila at wala akong bal--"

"DEEJ!"

-_____-++++

Umiinit lalo ang ulo ko ng makilala ang malalakas na boses na ngayon ay nasa harap na ng kwarto ko. Ngumiti lang si kuya at umalis na.

"Woah. Kagigising mo lang deej?!"- Aice.

"Hindi. Matutulog pa lang. Kaya layas. -___-++"

Bago ko pa isara ang pinto ko at humarang na si Joana kaya nakapasok ito, sumunod na din ang iba.

"Grabe ka naman deej! Maligo kana."- Anika.

Tinignan ko sila ng masama.

"Ano bang masamang hangin ang nagdala sa inyo dito?"

"Hindi mo ba maalala?"- Elisa.

"Ang alin? Wala namang may birthday ngayon. -___-""

"Ngayon ang game ng labidabs mo!"- Joana.

Labidabs? Ano na namang kalokohan to?

"Wala akong pakialam kung sino man ang hudyong yon. Lumabas na kayo ng kwarto ko at inaantok ako. Ang dami-dami nyo dito sa kwarto ko. =_____="

Nakanganga na nakatingin sila sakin.

"What? =___="

Nagpalakpakan sila.

"Wow. Ang haba ng sinabi mo!"- Elisa.

"Infairness, nagiimprove!"- anika.

"Konting push na lang, Tao ka na!"- Marie.

Ihagis ko kaya isa-isa ang mga to?   

"Ano ba kasing meron?"

Nakatingin sila sakin na tila hindi makapaniwala.

"Seriously deej? Hindi mo alam?"- marie.

"Ang alin nga?! +____+"

"Game nga ngayon ng labidabs mo!"- Joana.

"Sino ba yan--"

"SI JD! Benemen yen! Hindi ba nya sinabi sayo?!"- Aice.

Natigilan ako..

"Bunny! Panoorin mo ako bukas ha? Aasahan kita!"

"Ayoko. -__-"

"Okay! Asahan kita ah? Kailangan ko ng inspirasyon!"

-______-+++

Yun pala yon? Ano namang gagawin ko doon? Kaboring manood. Diko hilig.

"Si Kiersten nasa School na dahil may sayaw sila ngayon. Si April nasa baba kausap ni Tita."- Joana.

Naramdaman ko na lang na pilit ako itinutulak ni Anika at Elisa sa CR at inabot ni Marie ang towel at robe ko. Wala na akong nagawa ng sinara na nila ang pinto at kinulong ako sa banyo.

Journey to ForeverNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ