Kabanata 42;

2 0 0
                                    

- DEEJAY -

Urgh. Ang sakit ng ulo ko.. >____<

Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakilala ko agad ang kwarto ko..

Ano'ng nangyari? Bakit nandito na ako sa bahay? Ang naaalala ko lang ay sabay-sabay kaming umuwi tapos nasa jeep kami tapos..

Huh? Pagkatapos ano ng nangyari? Wala akong maalala. Ah shit. Ayan na naman yung kirot.

Sakto namang bukas ng pinto nang kwarto ko at pumasok si Kuya. Nang makita nya ang itsura ko na nakahawak sa ulo ko ay nagmamadali syang lumapit sakin.

"Diane! Ano'ng masakit sayo? Masakit pa ba? Naaalala mo ba yung nangyari kagabi? Kilala mo pa ba ako? Ako ang kuya mo. Ang kuya dennis gwapo m-- aray."

Binatukan ko kasi sya. Ang daldal eh. -___-

"Ma! Ma! Gising na si Diane at kilala nya pa ako!" Sigaw ni kuya dennis.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagtakbo at ayun pumasok si mama sa kwarto ko na nagmamadali at umupo sa tabi ko sabay tulak kay Kuya na nakaharang.

"Aray naman ma! T____T"

"Kamusta ang pakiramdam mo anak? May masakit ba sayo? May naaalala ka ba? Kilala mo ba ako?"

Hindi ko mapigilang hind matawa sa itsura nilang dalawa ni Kuya. Tinignan nila ako parehas at ngumiti.

"Mabuti ka na nga." Si mama.

"Mag nanay nga kayo." Natatawa kong sabi sa kanila.

"Gwapo at maganda kasi kami ni Mama. ^^." - Kuya Den.

"Nagbago na isip ko. Ampon ka lang pala kuya. -___-"

Ang kapal talaga nito.

"Nagugutom ka ba anak? Halika na sa baba at kumain ng almusal.."

"Almusal?" Gulat kong tanong sa kanila.

"Oo, diane. Almusal as in Breakfast. Hello? Umaga na kaya?" Sabay irap pa ng kuya kong bakla.

Sabunutan ko kaya to?

Nagulat naman ako. Umaga na pala at mahaba na ang naitulog ko.

"Ano palang nangyari sakin ma? At sino ang naghatid sakin?"

Nagtinginan silang dalawa.

"Sila anika anak. Bigla ka daw nawala ng malay habang nasa byahe na kayo pauwi."

Napatango-tango ako.. Ang alam ko may pinag-uusapan kami kagabi eh. Pero wala akong maalala.

"Wag ka munang pumasok ngayon diane."

Tumingin ako kay kuya at nakitang seryoso na ang mukha nya.

"Bakit? Hindi pwede at may meeting kami ngayon para s--"

"Pupunta tayo sa Hospital at naipaalam ka na namin.. Si anika na daw ang bahala."

Wala akong nagawa dahil parehas sila ni Mama na seryoso ang mukha.

"Kailangan mong magpacheck up anak."

"Opo ma."

"Tss. Kay mama ang bait sumagot. =___=" bulong ni kuya.

"Baliw ka kasi."

Nagtawanan kami at sabay ng bumaba para mag-almusal. Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako at nag-ayos. Pagbaba ko ay ako na lang ang hinihintay nila. Sa kotse ni mama kami sumakay at tahimik lang kami sa buong byahe.

Davids Hospital

Isang kilalang Hospital sa buong pilipinas. Pagkababa namin ay sumusunod lang ako kay Kuya at Mama. Wala namang akong alam sa mga nangyayari. Sumakay lang kami sa Elevator at bumaba sa 5th Floor.

Journey to ForeverWhere stories live. Discover now