Kabanata 34;

5 0 0
                                    

DEEJAY's POV

Monday. I hate Mondays.. -____-++

Monday, EXAM DAY! >___< Midterm na. Buti na lang last day  pa ng Exam ang Algebra namin.. Sumasakit ang ulo ko sa Subject na yon. Kahit anong Math pa yan. Hindi nagawang mahalin. -___-+++

Bumaba na ako para kumain ng Almusal.. Naabutan ko doon sila Kuya na kumakain..

Lumapit ako kay Mama at humalik sa pisngi nito.

"Good morning ma.."

"Good morning anak.."

Umupo ako sa tabi ni Kuya na nakatingin sakin.

"What?" Tanong ko sa kanya. Ngumuso pa.

"How about me? Nasaan ang Good morning ko at kiss ng bunso namin?"

Tumawa si Mama at ako ay napailing. Kahit kailan talaga ang utak nito. Lumapit ako sa humalik sa pisngi nya.

"Good morning, Johnny Bravo!"

Sumimangot sya.

"Kuya! Hindi Johnny Bravo!"

"Sabi mo ikaw si Johnny Bravo?"

"Mama oh.. Si Diane. (".)"

"Ang tanda mo na kaya. Mag-asawa ka na nga. =___="

"Talaga! Mag-aasawa na ako! May fiancee na ang gwapo mong kuya no?!"

Napatigil ako sa pag-akmang pagkain.. Tinitigan ko sya..

Mukhang narealize nya din ang sinabi nya.. Tapos si mama parang malungkot na nakatingin kay Kuya..

Nanlaki ang mata ko..

"FIANCEE?!"

Napatakip sila ng tenga sa sigaw ko. Nakakagulat eh!

"Bakit hindi ko alam?! Kailan pa?! Sino ang babaeng yan?! Nabuntis mo ba?!"

Nakanganga na nakatingin si Kuya sakin. Si Mama natatawa lang..

"Grabe ka diane! Hindi ako nakabuntis no?!"

"Eh bakit may fiancee ka?!"

Ngumiti sya pero napansin kong hindi yon totoo..

"Tyaka ko na ikikwento.. Sa ngayon, kumain ka na at baka malate ka sa exam mo.." Tapos pinat pa nya ang ulo ko..

Wala na akong nagawa kaya kumain na lang ako..

Nang matapos akong kumain ay dumiretso ako sa sala para kunin ang Bag ko.. Naabutan ko doon si Kuya.. Lumapit ako sa kanya..

"Kuya..."

Nilingon nya ako.. Napangiti ito ng makita ang concern sa mga mata ko..

"What is it?"

"Paano yung ex mo?"

Natigilan sya tapos natawa.

"Walang pakundangan diane? Kailangan diretsuhin?"

Hindi ako tumawa kaya napabuntong hininga sya at hinaplos ang buhok ko..

"Wag mo ng isipin yon.. Ako ng bahala sa problema ko, okay?"

Napatango na lang ako..

"Diane.."

"Hmmm?"

Sa halip na sumagot ay hinalikan nya ako sa noo.

"Thank you.."

Nginitian ko sya at tumalikod na.. Lumabas na ako ng pinto at naglakad papunta sa Gate.. Paglabas ko doon ay nagulat pa ako sa lalaking nakasandal sa may pader habang nakangiti na nakatingin sakin..

Journey to ForeverWhere stories live. Discover now