SP2

1.2K 3 0
                                    

Minsan ba naitanung mo sa sarili mo kung gaano ka-deserve yung taong nagmamahal sayo?
Minsan ba naisip mo kung gaano mo sya nasasaktan sa tuwing nag-aaway kayo?
Naisip mo na bang sa mga bawat ngiti nya may mga taong nag-aasam na sana pag-aari nila siya?
Pero ikaw?
Maswerte ka na't hawak mo na, binabalewala mo pa!
Minsan nga naiisip mo pa syang ikumpara sa iba!
Sa mga taong mas hihigit pa sa kanya!
Pero minsan ba?
Naisip mo na madami ding hihigit sayo?
Pero eto sya't nagpapakatanga sayo!
Hindi lang ikaw ang tao sa mundo pero minahal ka nya!
Tinanggap nya kung anong meron ka, kung sino at ano ka!
Pero madalas mong balewalain ang nararamdaman nya
Kasi iniisip mo, isang SORRY mo lang TANGA na naman sya!
Isipin mong hindi lang ikaw yung nagmamahal sa kanya
May mga taong naka-antabay at hinihintay na pakawalan mo sya
Wag mong hintayin na dumating yung araw na iwan ka na nya
Dahil sa nagsawa at natauhan na sya!
Pahalagahan mo kung anong meron ka
Dahil sa huli pag nagsawa na syang intindihin ka, kawawa ka!
Masakit makita na pinapahalagahan na sya ng iba
Sa paraang hindi mo nagawa!

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now