SP3

769 6 0
                                    

MOVE ON
Kaya mo bang mag-LET GO sa taong ayaw mong layuan pero kailangan?
Iloveyou. Iloveyou too.
Ang sarap ma-inlove noh?
Lalo na kung yung mahal mo, mahal ka rin
Yung parang mangangarap ka na lang na palage mo syang kasama
Yung makita mo lang syang ngumiti ang saya saya mo na rin
Akala mo forever na magiging kayo
Pero di naman lahat ng relasyon ay mayroong HAPPY ENDING
Dahil paminsan minsan ang puso natin ay napapagod din
Mahirap man tanggapin pero kailangan nating harapin
Harapin ang katotohanan na ang lahat ng bagay ay may hangganan din
Dahil kung minsan ang pagmamahal nya sayo ay mawawala rin
BREAK NA TAYO!
IT'S OVER!
AYOKO NA!
PAGOD NA KO!
Kung pwede lang ba na wag na magmahal para wag na rin masaktan
Pwede nga kaya yun?
Makita mo lang syang nakangiti
Yakapin ka lang nya ng mahigpit
Handa ka nang masaktan ulit
Pero may mga bagay na mahirap ng ibalik
Ang sakit isipin diba?
Ang mga pangako nyo sa isa't isa
Bigla na lang mawawala na parang bula
Paano ka magmo-move on?
Kung sa bawat bukas ng fb mo
Lagi mong tinitingnan ang profile nya
Lagi mong tinitingnan mga pictures nya
At binabasa ang mga status nya
Bakit ka pa aasa?
Kung para sa kanya nakaraan ka na lang!

SPOKEN POETRYKde žijí příběhy. Začni objevovat