20

185 1 0
                                    

"PAG-IISA"

Sa mundong akala mo nag-iisa ka
Sa mundong akala mo wala kang kasama
Sa mundong akala mo inaapi ka
At sa mundong akala mo iiwan ka

Masyado mong ginawang mundo ang mga problemang hindi pa para sa'yo
Masyado mong ginawang kumplikado ang mga bagay-bagay na ito
Akala mo hindi pwedeng isigaw ang problema mo
Akala mo walang nakakarinig nito

Ang hilig mong tumakbo
Ang hilig mong takasan ito
Ang hilig mong matakot
Ang hilig mong bumalik paikot-ikot

Masyado kang nagpadala, kaya't ikaw'y nawala
Masyado mong binitbit, kaya't ikaw'y naiipit
'Wag mong hayaang mawala ka sa sarili mo
'Wag mong hayaan mawala ka dahil sa ibang tao

Hindi mo kailangan isipin ito
Sapagkat may tutulong at tutulong sa'yo
Hindi mo kailangan dibdibin ito
Sapagkat may dadamay at dadamay sa'yo

Huwag kang matakot mahusgahan
Kung ito ay may katotohanan
Huwag kang matakot maiwan
Kung ito ay may dahilan

Huwag kang matakot ibigay ang lahat
Kung para sa kanya hindi pa rin sapat
Huwag kang matakot magbigay ng pagmamahal
Kung itoy hindi nakakasagabal

Ihanda mo ang iyong sarili sa mga pagsubok
Para ikaw'y hindi rumupok
Ihanda mo ang iyong sarili sa 'yong pag-iisa
Dahil hindi sa lahat ng oras ikaw'y may makakasama

Tumingin ka sa sarili mo
Tumingin ka kung ikaw ba talaga 'to
Tumingin ka sa sarili mo
Tumingin ka kung kakayanin mo pa ba 'to

Tumayo ka't buksan ang iyong mata
Tumayo ka't 'wag matakot sa sasabihin ng iba
Tumayo ka para sa sarili mo
Tumayo ka para ipakita ito

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now