18

194 2 0
                                    

"PAGLABAN"

Ako man ay mahiyain
Ako ay handang ngumiti pa rin
Kahit anong sabihin nila sa'kin
Ako ay aangat pa rin

Handa akong labanan ang takot
Para ang pangarap ay maabot
Handa akong suungin ang kaba
Para ang pangarap ay maipanalo na

Hindi man ako maintindihan ng iba
Ako na lang ang uunawa para sa kanila
Mahiral unawain ang taong hindi maintindihan
Puwera na lang sa taong hindi nang-iiwan

Ako'y simpleng mamamayan
Na dapat tanggapin bilang kaibigan
Ako'y simpleng mamamayan
Na inyong maaasahan

Madali lang akong tanggapin
Kung inyong kikilalanin
Madali lang akong kaibiganin
Kung inyong mararapatin

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now