SP9

352 1 0
                                    

Seryoso ba sayo ang taong mahal mo?
Paano nga ba malalaman?
Una sa lahat
Kaya nyang humarap sa magulang mo
At kaya nyang iharap ka sa magulang nya
Liligawan ka nya sa tamang paraan
At tatanggapin ka kung sino at ano ka
Di ka nya hahayaang maging malungkot
Kaya nyang maging corny, mapasaya ka lang
Dadamayan ka kapag may problema ka
Kaya nyang ipakita sayo at sa ibang tao kung gaano ka nya kamahal
Hindi ka nya kayang itanggi kahit kanino
Ipaglalaban ka kahit kanino
At kahit na magka-away kayo
Kahit na inis na inis ka na
Kahit na galit na galit ka na
Hindi sya titigil hangga't di kayo nagkaka-ayos
At kapag di na nya kaya ang lahat
Hindi sya magdadalawang isip
Na gawin kahit na sa maraming tao
Kaya nyang umiyak sa harapan mo at humingi ng tawad
Para lang maging maayos ang lahat
Lahat ng malulungkot na pangyayare
Lahat yun ibabaon nya sa limot
Para ipagpatuloy ang masayang nasimulan
At para tumupad sa isang pangakong
Hindi kita iiwan
At hindi ako magbabago para sayo
Dahil ikaw lang ang nag-iisang mahal ko sa mundong ito
Walang iba kundi ikaw lang
Yan ang mga katangian
Katangian ng mga taong seryoso magmahal
Mga taong marunong magpahalaga
At mag-ingat ng kanilang mga pangako

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now