SP11

305 1 0
                                    

BITTER SWEET

Di ko alam kung paano ko sisimulan ang tulang gusto kong balikan
Di mawala ang kahangaan
Dahil ba sa katotohanan o sadyang katangahan?
Ilang beses na kitang kinalimutan
Pero labis na nahuhulog ang kalooban
Di alam ang dahilan
Kung bakit ako nagmamahal ng parang pinaglalaruan
Ginawa ba ang pag-ibig para lang masaktan?
O sadyang pinagtagpo lamang pero hindi itinadhana
Lubos na naguguluhan ang aking isipan
Kung bakit pa nagmamahal kung sa dulo'y tayo lang din man ang masasaktan
Paulit-ulit na ako sayo'y nasaktan
Kaya tinangkang iwanan lahat at kalimutan
Pero bakit sa isang araw lang ang nagdaan
Nais na muling buksan ang puso para muli mong malaman
Naniniwala ako na "Huwag mong bitawan, para hindi ka iwan"
Pero kahit alam ko na di pa kita nahahawakan
Ako'y iyo nang iniwan
Pero di sapat na dahilan para ikaw ay tigilan
Dahil ikaw ay nakatatak na sa aking puso't isipan
Sana ikaw ay malinawan na di ko kayang hanggang kaibigan na lang
Pero kahit hindi mo mapagbigyan
Sana hayaan mo ako na ipakita sayo ang tunay kong nararamdaman

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now