INTS 28

2K 31 4
                                    

Oh? Ansabe ng MiGi scenes. haha. Taob bigla yung JaoMik. Haha. Anyway,

Sorry bebe's ah. Natagalan yung update. Maganda naman to. Promise. :)

Vote and please please. COmment kayo ah. :)

Salamaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat!

----------------------------------------------------

INTS 28

Ella’s POV

May mga bagay na kahit isuko mo, kusa parin itong babalik sayo.  

Kagaya na lang ni Patrick. Sapat na siguro ang sabihing sobrang mahal lang namin ang isa’t isa. Sapat na sigurong sabihing hindi ako kumpleto kung wala siya. Patrick, is one of those few people na kung saan ay hindi ko kayang mawala. Hinding hindi.

Andito kami ngayon sa condo ni Patrick. Trying to unwind. Sa dinami dami na ng pinagdaanan namin. Feeling ko lang miss na miss ko na siya.

“Pat.” Tawag ko sa kanya habang pinaglalaruan niya yung mga daliri sa kamay ko

“Hmm..” tapos isa isa niyang hinahalikan yun

“Namiss kita.” Sabi ko sa kanya, automatic naman siyang napatingin sa akin, tapos nag smile. Tapos, nag up and down yung kilay. Tapos, mas lumapit pa.

“Nak ng Ella. Alam ko.” Sabi niya tapos niyakap ako ng sobrang higpit

“Weh? Alam mo? Pano nangyari yun?” tanong niya sa akin

“Sabi ni Tito. Haha. Inuupdate niya ako araw araw tungkol sayo. Alam mo yun?” sabi ko sa kanya

“Ahh ganun. Kasabwat mo pa si Daddy ah.” Sabi ko sa kanya

“Hindi lang ang daddy mo ang kasabwat ko Ellalabs.” Sabi niya sa akin, ayan uli yung Ellalabs niya. Psh. Hayaan na nga.

“Eh? Sino pa ba? Si Mommy? Si yaya?” sunod sunod kong tanong sa kanya

“Hindi Ella. Kasabwat ko ang buong mundo. Kaya kahit sino paman yang walang hiyang dadating at susubukan tayong buwagin o kung ano paman yang mga problema pang dadating, di nila tayo mabubuwag. Kasi, buong mundo. BUONG MUNDO ang kasabwat ko.” Mahabang sabi niya sa akin at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap niya.

“Ang korny mo Pat.” Sabi ko sa kanya at tumawa ng konting konti lang naman

“Korny naman talaga Ella pag inlove eh.” Sagot niya naman, ang kulit ah. Kanina pa siya bumabanat

“Pat.” Tawag ko sa kanya ng mapansin kong tumahimik siya

“Hmmm.” Sagot niya

“Anong iniisip mo ngayon?” tanong ko sa kanya

“Madami. Madaming madami. Pero, puros happy thoughts.” Sabi niya

“Gaya ng ano Pat?” tanong ko ulit

“Kagaya ng hmmm. Ano ba. Iniisip ko yung mga nangyari sa atin. Kung pano ako nainlove sayo. Iniisip ko na mahal talaga kita Ellalabs. Higit na kanino man. Iniisip ko yung future ko na kasama ka. Kapag stable na ako, yan, siguradong sigurado na ako sa panahon nayan na pakakasalan na kita. Sigurado nadin naman ako ngayon eh, kaso, ayoko na man na yung nanay at tatay ko lang ang bumuhay sa atin. Gusto ko, maging proud ka sa akin.” Sabi niya, hindi naman ako makasagot. Nginitian ko lang siya at naghihintay sa mga sususnod pa niyang sasabihin

“ Alam mo kung ano ang pinaka mas nakakatuwa sa mga naisip ko? Yun yung darating yung isang araw na ganito pa din tayo. Nakaupo ka lang dyan tas ako naman nakahiga sa lap mo. Tapos, biglang bubukas yung pinto ng bahay natin kasi dumating na yung mga little Patrick at little Ella.” Mahabang litanya niya. Hindi ko lubos maisip na sumasagi din pala sa utak ni Patrick yang mga bagay nay an.

“Mga imagination mo Patrick ah.” Panunukso ko sa kanya

“Hindi imagination yan Ella. Magiging totoo yan.” Sabi niya sa akin na para talagang siguradong sigurado na siya

“Naman. Dapat lang.” sabi ko sa kanya

Pagkatapos namin maglambingan, bigla bigla nalang napatayo si Patrick. Na parang gulat na gulat yung mukha.

“O? Pat?” tanong ko sa kanya

“Si Daddy. Tumatawag.” Sabi niya sabay pakita ng phone niya sa akin

“Sagutin mo na. baka importante yan.” Agad niya naman yung sinagot. Matagal tagal din silang nag usap, nung una, naririnig ko pa. kasi, mahinahon pa. hanggang sa patagal na ng patagal at parang may kung anong malalim na silang pinag uusapan. Nakikita ko kasi si Patrick from here at kita ko ding nakakunot yung noo niya.

Hanggang sa marinig ko siyang sinagot yung daddy niya ng pasigaw. Kahit ako, hindi ko alam ang irereact sa nasabi niya. Sa mga katagang binitawan niya. Parang kanina lang, ang saya pa naming na nag iimagine sa future naming. Tapos biglang ganito na.

“WHAT? DAD? ANONG KASAL YANG PINAGSASABI NIYO?”

-----------------------------------------

There must be something MORE.

Hala. Ano daw? Kasal? Sinong ikakasal?

SI Patrick ba? Hala. Hala. Psh.

I Never Thought So (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon