INTS 7

2.8K 37 0
                                    

INTS 7

Zharm's POV

Rest day. Walang kaming pasok ngayon, kaya eto tambay lang kami sa Condo ni Ellababes. Ayaw daw niya tumambay sa bahay nila lalo pa ngayon andun si Governor or rather say andun ang Papa niya ngayon.

"Ahmn, Girls. About Patrick? What's the next plan?" si Aria.

I act as if I was thinking. "Ano nga ba magandang plan para dun sa Patrick Rivero na yun?"

"Psh. A test of course." sagot ni Sue.

"A test?" sabay naming sabi ni Aria.

Tumango sya samin. "A test. Let's test kung nainlove na yung Casanova na yun kay Ella Sweetie. Don't mind my opinion pero feeling ko may pinagbago na din naman yung Patrick na yun."

Tumango kaming dalawa ni Aria, bumaling ako kay Ella. "What do you think Ellababes?"

-___________-

"Huy, Ellababes!" ulit ko sa tawag sa kanya.

-___________-

"Ella darling?" tawag sa kanya ni Aria.

-___________-

"Ella sweetie!" pasigaw na tawag sa kanya ni Sue, I told you guys. Wild si Sue.

"H-ha? Ano yun?"

"Baket ba tulala ka dyan?" tanong ko sa kanya.

"W-wala lang."

"Nevermind that." sabad ni Aria.

"We already have the next step to that Operation: Patrick Rivero." umpisa ni Sue. "Well, actually it's a test. A test if the Casanova had already fallen inlove with you."

Nagulat sya. "What? Para san pa yun? Alam natin na Patrick will never fall inlove with me."

Napatayo na si Aria. "What are you trying to say? Anong hinihisterya mo dyan? Dba ang plano you will break that Patrick's heart? E kung sa umpisa pa lang alam mo ng hindi pala sya magkakagusto sayo then bakit ka pa pumayag na gawin to?!"

Natahimik si Ella.

Tumayo si Sue para umawat. "I'll state my opinion girls. As what as I observed, we have a big chance na matapos agad tong plano natin na 'to." napatingin kami sa kanya. "This past few days, pansin ko hindi na nakikipaglandian yang si Patrick sa ibang babae and i think dahil yun sa pag iwas sa kanya ni Ella. Maybe, hinahanap hanap niya si Ella."

Ngumiti si Ella. "I told you guys, mas gusto ko yung dating ako."

I stand up and hug her. "Don't worry Ella, pagtapos nito babalik ka na sa dating ikaw."

Lumapit din samin si Sue at Aria, nag grouphug kaming apat. Alam naming mahal namin si Ella, pero shempre mas mahal namin yung dating Ella.

--

Ella's POV

Alone here in my Condo umuwi kase ang Mean girls sa bahay, may project daw sila. And I'm not related to their course kaya nagpaiwan na lang ako dito. Kakatapos ko lang din makipag phonepal kay Tammy and I'm glad na unti unti na daw syang nakaka Move On kay Patrick.

Pumunta ako sa Drawer at nakita ko dun yung Old Albums ko, isa isa kong kinuha yon at binuklat. I saw the old Me. Alam ko sa sarili ko na kailangan kong magbago para sa Operation Patrick Rivero na yun, pero pansamantala lang naman to.

Ano nga bang pinagkaiba ng Ella date sa Ella ngayon?

Maganda. Walang duda don, maganda pa rin naman ako date pa hanggang ngayon. Ang pinagkaiba lang, dahil sa Operation Patrick Rivero na yan kailangan kong mag makeup minsan.

Matalino. Luh! Hayaan na natin yan, matalino pa rin naman ako simula noo kahit naman ngayon.

Maarte. Oo, maarte ako. Ayokong humahawak ng kung ano ano, through the fact na hindi ako nakikipag shake hands kung kani kanino. Pero dahil sa Operation Patrick Rivero kailangan kong alisin yon.

Inosente. Yes, i am innocent. Lalo na pagdating sa kisses na yan, ayoko sa lahat yung hinahalikan ako. Pero dahil sa Operation Patrick Rivero na yan, parang nirape niya na yung lips ko.

And the last one..

Conservative ako. You know what I mean, i hate boys. Pero dahil sa Operation Patrick Rivero na yan, urgh Nevermind! Minsan nga natatanong ko yung sarili ko kung bakit pagdating sa kanya parang ang bilis ko bumigay.

Tiniklop ko yung Album ko at lumabas agad ng Condo ko. Pumunta ako ng Park malapit dun, baka kase pag tinignan ko pa yun ng mas matagal magbago yung isip ko at umatras na lang ako sa plano.

Umupo ako sa bench, facepalm. Nahihibang na ata ako sa lalake na yun, this past few days bigla na lang nag iiba yung pakiramdam ko sa kanya. Hindi pwede to. But instead of stopping myself thinking of him, nilabas ko yung cellphone ko at dinial pa yung # niya.

Calling.. Pat.

"Ella?"

"Pat, I need you now."

"Baket?"

Hindi ako nakasagot, bakit ko nga ba sinabe yun sa kanya? Aish -____-

"Nevermind. Wag na lang, Sorry sa istor-"

Biglang may yumakap sa likod ko, backhug.

"Tinanong lang naman kita ng baket, bigla mo naman sinabing Nevermind. Wag na lang, Sorry sa istor-"

Niyakap ko sya. I hug him na as if na ngayon lang kaming dalawa nagkita. Masaya lang talaga ako na andito sya, andito sya sa harap ko.

"Oh? Baket? Kailangan mo 'ko dba? Andito na nga 'ko e." nang aasar niyang sabi.

"Psh. Baka naman naistorbo ko pambababae mo." asar ko sa kanya.

He hugged me back, mas hinigpitan niya yung yakap niya. "Parang para nga sakin ikaw na lang ata babae ko."

May sinabi niya kaso hindi ko narinig, maingay kasi yung mga ibon dito sa Park e.

Maya maya pa hinarap ko sya, without even knowing natulo na pala yung mga luha ko. Putrames na yan.

Pero imbis na punasan niya yun, hinalikan niya yung bawat luha ko na natulo. Then, he smiled at me again. Yung ngiti na hindi nang aasar.

"Thank you.. Thank you.."

"Puro Thankyou? Pero okay lang.." nakangiti niyang sagot tapos niyakap niya ulit ako. "Kase mas gusto ko 'to.. Yung totoong ikaw.."

Again may sinabi sya pero hindi ko na naman narinig, ang alam ko lang masaya ako.

------------------------------------

kinakabahan ako mag update sa next chapter ah. :(

this is it.

I Never Thought So (KathNiel)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt