I Never Thought So Extra Prologue

4.3K 47 5
                                    

Ella’s POV

Way back 2 years ago.

“Michelle naman kase, when will you stop crying there? Ang tagal mo ng ngumangawa dyan! Ilang beses kong uulitin sayo yung mga katulad niya hindi iniiyakan! Dapat sa kanila, sinasalvage!”

“Ella, hindi ko kase kaya eh. Nakipagbreak sya saken, sobrang mahal ko pa naman sya.”

Tinayo ko sya sa kama niya at pinaupo. Tinignan ko syang mabuti.. She looks so miserable dahil sa isang linggo niyang pag iyak. I can’t believe this, iniiyakan nya ang isang relasyong tumagal lang ng dalawang linggo! Ganun ba kabilis magmahal?

“God sake Michelle! Third year high school pa lang tayo okay? Tsaka kung makaiyak ka naman dyan parang first boyfriend mo yun! Pangatlo mo naman na sya eh. Marami pang ibang lalake dyan, you can replace him whenever you want!”

“No! I can’t Ella! Hindi ko kaya..”

Patuloy lang sya sa pag iyak, naibato ko tuloy yung unan niya sa kama sa may sahig.

“Ano ba kaseng meron yang Lalake na yan para mapasali ka sa mga babaeng umiiyak sa kanya?!”

“Because he is the great Patrick Rivero! Yung lalaking super sikat sa School naten!” paliwanag niya habang naiyak.

“That’s it! That Patrick Rivero, alam mo namang Cassanova yun e. Tapos ano? Pinatulan mo pa?! O ano ka ngayon? Nganga?! Bakit mo nga ba kase sinagot yun?”

“Because I love him..” iyak niya.

“Fuck that Love! Masyado kang nagpapaniwala dyan eh!” sabi ko pa at tumayo na sa kama niya. “Gagantihan ko yang Rivero na yan!”

“No! Wag Ella! You have to know something..”

Hindi ko na sya pinatapos at dire diretso na kong lumabas ng kwarto niya, at bumaba ng hagdan.

--

Setting: Pedro E. Diaz High School.

Pagpasok ko pa lang ng School naming meron ng mangilan-ngilang nakatingin saken. Hindi ako ganun kasikat, pero sapat na un para pag usapan nila ako. Kilala ako kase anak ako ni Gov. George Dimalanta at ni Sec. Min Dimalanta. They are both in Politics, ako lang yung tumanggi dahil ayoko naman. Pinilit nila ako, kaya nagrebelde ako. Ang ending? Ayun, tinuring akong Black Sheep of the Family.

Pagrating ko ng Gym namin, I saw him. Nakaupo sa isang stool, mag isa. Walang gaanong tao, lahat ata may klase ngayon. We never had the chance to talk nung sila pa ni Michelle, and if we ever had the chance still. I’ll not talk to him. Ayoko sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang manloko.

Lumapit ako sa kanya at *paak*

“What the!” galit niyang sabi habang nakahawak sa pisngi niyang sinampal ko.

Tinaasan ko sya ng kilay. “You jerk! Bakit mo niloko yung kaibigan ko? It’s almost a week simula nung magbreak kayo, but you know what? She’s still crying! Crying over a guy like you! Ang kapal ng mukha mong saktan ang kaibigan ko!”

“Kaibigan ka ni Michelle?”

“Ano sa tingin mo? Dapat sa mga katulad mo binabangasan yung mukha! Para wala ng maipagmalaki sa mga babae!”

“Wait, calm down okay? I did not hurt the feelings of your friend. Sya yung may kasalanan kung bakit kami naghiwalay. Alam mo ba-“

“Liar! Hindi siya iiyak ng ganun kung kasalanan niya!  Hindi makitid ang utak ng kaibigan ko!”

Lumapit sya saken. “Sinabi niya ba sayo yung dahilan ng break up namin?”

“Hindi. Pero hindi niya na kailangan pang sabihin, dahil alam ko na ung dahilan. It’s because, nakahanap ka na ng bago mong babae kaya iniwan mo na lang basta basta yung kaibigan ko!”

Bigla niyang hinapit yung bewang ko palapit sa kanya. “Sana man lang tinanong mo muna yung kaibigan mo kung bakit kame nag break, bago ka sumugod dito at sabihan ako ng kung ano anong masasakit na salita.”

*tsup*

Yun lang at tumalikod na sya.

Huh? Pagtalikod niya napansin kong may pain sa mata niya habang sinasabi yung mga yun saken. Eh, teka nga lang..

“Kyaaaaaaah!” sigaw ko. Late na ng maalala ko, hinalikan niya nga pala ko sa pisngi.

>////////////////<

Ang kapal ng mukha niya! Madali kong nilibot yung mata ko, baka may nakakita eh. Mahirap na baka kung ano masabi nila saken -_________-

Teka nga, Ano nga ba yung tunay na dahilan kung bakit sila nagbreak?

I Never Thought So (KathNiel)Where stories live. Discover now