INTS 2

3K 36 1
                                    

INTS 2

Tammy’s POV

Setting: Magtoto Residence, Philippines.

“Tammy, may bisita ka sa baba!” untag saken ni Britney habang tinatanggal yung kumot ko.

“Britney, hindi na uubra saken yang pakulo mo na yan.” Sagot ko. “Hindi ako bababa, ayokong kumain.”

“Bahala ka dyan kung ayaw mong maniwala di wag, basta Ella Dimalanta daw sya.” Padabog nyang sagot.

Napabalikwas ako sa kama ko. Nakita kong nakapalibot saken si Cassie, Camille at si Britney na nakaupo sa kama ko. Ang mga kaibigan kong lagging andito para lang bantayan ako.

“Sigurado ka?”

“Oo. Andaming dalang maleta. Saan ba galling yun? Tsaka sin-”

Madali akong bumaba ng hagdan para salubungin si Ella, nakasunod silang tatlo saken. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko syang nakikipagkwentuhan sa mga kasama niya. Sino yung mga un?

“Ella..”

Pagkasabi ko nun, humarap sya saken. Agad syang lumapit saken at niyakap ako.

“What happened?”

Nag umpisang tumulo yung luha ko. “M-marame..”

“Sshh.  Everything will be okay. Andito na’ko.”

Pinunasan ko yung luha ko. “Ella, si Cassie, Camille at Britney. Mga kaibigan ko.”

“Hi, nice to meet you, Camille Sarmiento nga pala.” Bati ni Camille kay Ella.

“Ako naman si Cassie Santos.” (Okay, di ko alam yung apelyido nya sa Growing Up eh -_-)

“I’m Britney Celis.” (Okay, di ko alam yung apelyido nya sa Growing Up eh -_-)

“Nice to meet you din, thank you for taking care of my Cousin.” Sabi naman ni Ella.

Naglahad ng kamay si Britney pero hindi tinanggap ni Ella. Nakalimutan kong sabihin, maarte si Ella. Hindi basta basta humahawak ng kung ano-ano.

“Ang arte niya ah!” Asar na bulong saken ni Britney.

“Ganyan lang sya sa una, pero mabait yan.” Sagot ko naman.

“Tammy, may mga kasama ako.” Pukaw saken ni Ella, Lumapit kami nila Camille sa mga kasama niya. “This is Zharm, Sue and Aria. My friends in Australia, sumama sila saken dito. They want a total new environment daw eh so, they come with me here.”

“Hi, I’m Zharm Arriola. Zharm na lang.”

“I’m Aria Clemente, call me Aria.”

“And I am Sue Anna Dodd. Sue for short.”

Ngumiti ako, well hindi ko maitatanggi, Pare-pareho sila ng mga Fashion. “Nice to meet you all.”

Tapos nun, bineso nila ako isa isa. Ako lang ang bineso nila. Hindi ang mga kaibigan ko.

Natawa pa sila pagtapos nun, ano bang meron?

--

Ella’s POV

Pagtapos naming magpahinga saglit kila Tammy, nagpasya akong magpaalam na.

“Tammy, we have to go. Hindi kase alam sa bahay na ngayon ang uwi ko, inuna kitang puntahan.”

Sabay sabay kaming tumayo. “Gusto mo ipahatid kita kay Manong Carlos?” alok nia.

Tumango ako.

“Oh yes. Akala ko magco-commute kami eh.” Sagot ni Zharm. Nakita ko pang nag make face yung mga mga kaibigan ni Tammy, lalo na yung Britney.

“Sige na, halika na.”

Paglabas namin ng pintuan palang nila, may nakaabang na agad na mga Security Guards at isang Van.

“Ambilis talagang kumalat ng balita.” Asar kong sabi. “Tammy, wag mo na kaming ipahatid. Andito na ung susundo saken.”

“Okay ka lang ba?” tanong niya.

Tumango ako, alam kase ni Tammy na may alitan kami ni Papa. “I’m okay. And you have to be okay, pag uusapan natin yang problema mo. Sige na, Bye.”

Pagkapaalam ko, saktong lumapit samin yung mga Guards, isa isang kinuha yung mga bags namin at inilagay sa likod ng Van.

“Sakay na girls.”

Pagkasabi ko nun mabilis naman silang sumakay ng Van, ako naman dumiretso sa driver.

“Sino nagsabe sa inyong andito na ako?”

“Pinapamanmanan po kayo ni Gov. Dimalanta kaya po mabilis naming nalaman.”

“Tss.” Tama nga ako, mga tauhan ni Papa to. Hindi ko na lang pinansin at mabilis akong tumabi kila Sue sa loob ng Van.

“Inyo to Ellababes?” tanong ni Z.

Tumango ako. Nag umpisa ng umandar yung Van. Hindi na sila nagtanong pa, alam naman nila ang Family Background ko eh.

“Teka nga lilinawin ko lang ha. Tuloy ang plano.” Si Aria.

Hindi ako sumagot, iniisip ko yung mga pinlano namin bago kami umuwi dito sa Pinas.

“If you’re going with me all the way, then there’s no problem. Tuloy ang plano.” Sagot ko.

“What’s the name of the target?” tanong ni Sue.

“Ha?”

“Ano daw pangalan nung lalakeng nanakit kay Tammy.” Ulit ni Aria.

Nagkibit balikat ako. “I don’t know, I forgot to ask Tammy.”

“Oh well..” singit ni Zharm. “Kung sino man yang Lalake na yan, Ellababes will teach him a seductive lesson that he will never forget.”

Napangiti na lang ako, habang yung tatlo nag evil laugh.

I’ll teach him a seductive lesson that he will never forget.

I Never Thought So (KathNiel)Where stories live. Discover now