INTS 9

2.8K 51 20
                                    

2nd update. :) Overwhelmed naman masyado ako sa support niyo. Salamaaaaaaaaaat Readers! At sa mga di pa nakakapagbasa, go lang ng go. Vote and comment. :) Magsisimula na ang kilig vibes ni Ella at Pat.

How can she stop herself from falling inlove with Patrick? How can Patrick prove himself that he can fall inlove with a girl like Ella?

-----------------------------------------------------------------

Chapter 9

DANIEL’S POV

“Gusto din kita. Kahit yung old Ella, kaya lang Pat hindi pwede eh..”, narinig kong sinabi yan ni Ella nang maalimpungatan ako. Pinupunasan niya ko nun. Bakit iba? While she was saying that, it seems like it’s not her. I mean, para bang yung Ellang inosente at conservative yung nagsabi nun. Yung Ellang bigla biga na lang akong sinampal two years ago.

Instead of taking steps in to it, I pulled her closer and just hugged her. Ilang sandal pa, mahimbing ng naidlip si Ella. Binuhat ko siya papuntang kwarto niya at inihiga sa kama niya. I kissed her on her forehead, when I was about to go, hinawakan ni Ella yung kamay ko. She was awake.

She was looking at me. That look. Looks that tells me she needs me.

“Pat. Don’t go.” Sabi niyang ganun, why Ella? Bakit ginaganto mo ako? Tapos nakita niya kong tumalikod, I just turned back for me to change place. Dun sa kabilang side ng bed. Pero pagkatingin ko ulit sa kanya, nakapikit na. akala niya siguro, aalis na ako.

Tinabihan ko siya sa paghiga. And hugged her. I was facing her and looking at her. Inusog ko siya papunta sakin, now, this is better. Face to face. Nakikita ko sa mukha niya na hindi siya okay.

“Ella.”

She closed her eyes. She’s trying to fight back the tears inside her. I just kissed her. Ayaw kong ng magtanong. Sometimes, things are better left unsaid.

Buong gabi kaming magkasama ni Ella. Magkayakap. If I could just start my FOREVER, it would have been better if I start it this way.

Kinaumagahan, may pasok na kami. I’ll just leave Ella here. Hindi naman talaga ako naniniwala sa forever eh, yung cassanova? Argh. Walang forever. But with this girl. Happy endings, forever, fairytale ending, gusto ko ng ma experience yun. Gusto kong maramdaman yung magic.

Nung nasa school na kami, kasama ko sina Diego at si John. They were talking about this girl they just met last night. Na o-OP nga ako eh. But, I nevermind. Mas maganda at memorable naman yung nangyari sakin noh. Psh. Si Ella nga pala, hanggang ngayon hidi ko pa din siya nakikita.

“ Uy. hinahanap mo na naman siya?” tanong sakin ni Diego

“ Ha? Sino? Psh. Wala naman akong hinahanap ah!”

“ Aysus! Kunwari ka pa dyan eh para na ngang mababali na yang leeg mo kakatanaw sa mga dumadaan eh! Si Ella naba dre?” tanong ni John

“ Anong pinagsasabi niyo? Psh. Manahimik nga kayo!”

“Manahimik? Haha. Sige. Sabi mo eh. ”

Biglang dumating si Bea, and without any word, she kissed me. Walang hiyang babae to. naririnig ko si Diego at John na nag o-“Ooooowww”. And before I could do anything, biglang may dumating at nagsalita.

“Babe? I didn’t know na pumapatol ka pala sa mga basura?” pagkatingin ko, it was Ella, naka cross ang shoulder habang nakatingin sakin at kay Bea.

“ Babe?!” hindi makapaniwalang tanong ni Bea

Hindi ako makasagot. Ano bang sasabihin ko? Psh naman oh. Si Ella naman, hindi sumasagot, nakatitig lang kay Bea na nakataas ang kilay. Just like the looks when she slapped me way back.

Tapos, hinila na ko ni Ella.

“ Halika na nga. Nakikipaghalikan ka pa sa mga basura eh. Cheap ka!” sabi niya sakin na nakatingin kay Bea with her evil looks. Bea was left there dumb founded. Habang si Kath naman hila hila pa din ako, pnagtitinginan na kami ng ibang studyante, psh. Parang kanina lang hinahanap ko siya, tapos ma biglang humalik sakin tapos ngayon, hinihila niya na talaga ako. Nasa gitna kami ng garden ng school, ng binitiwan na ako ni Ella.

She faced me and smirked.

“ Oh? Ano? Dyan ka na nga!” sabi niya at umalis na lang bigla

Tung si Ella, gusto niya ako maghabol sa kanya. Sa itsura kong to? naghahabol ba ako ng mga babae? Noon hindi. Argh. Ngayon, parang oo na. hinahabol ko siya sabay sinisigaw ang pangalan niya pero nagbibingi bingihan. Pinagtitinginan na ko ng mga studyante at ibang kakilala ko. Eeeh. Nakakahiya lang para sa isang cassanova na Makita ng mga studyanteng napaglaruan niya na naghahabol na ngayon.

Ano bang ginagawa sa mga nagpapahabol? Psh. Kahit naghahabol ako, cassanova pa din to Ella. Baka nakalimutan mo?

“ Ella! Yung brief ko naiwan sa condo mo!”

Laughtrip to. kaya lang, pinipigilan ko yung pagtawa ko. Lahat na yata nakatingin samin. Lahat nagulat sa sinabi ko. Sino ba naming hindi. Psh. Kahit nahihiya ako, okay lang. success naman yung plano ko.

Ella stopped running right after I shouted those words. Those words na naging dahilan ng pagbubulung bulungan ng mga tao. Ella faced me. With her looks na parang di makapaniwala. Nakakunot noong nakatingin sakin, tapos, tiningnan yung mga tao sa paligid niya. Alam ko, kahit may pagkapilya na siya ngayon, di pa din naaalis yung dating Ella na alam ko. Di ko mapigilang matawa sa naiirita nyang mukha.

I was just standing there at naka smirk.

“Ano?” tapos dahan dahan siyang lumapit sakin, pagkalapit niya, inulit niya pa yung tanong niya

“Anong sabi mo?!”

Mas nilapitan ko pa siya and leveled my mouth sa bandang tenga niya.

“Ang sabi ko, yung brief ko naiwan sa condo mo. Pagkatapos mo kong hilahin palayo, iiwan mo lang ako, ayaw mo pa akong pakinggan, tinatawag na nga kita. Yan tuloy, I had to do something at mag imbento ng kung ano para lang mapatigil ka sa paglalakad. Effective naman diba?”

-----------------------------------------------------

Sa sami naman ng pwedeng maging rason ni Pat, yun pa? haha. Okay lang bah? :)

I Never Thought So (KathNiel)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ