Chapter Three

180K 4.6K 429
                                    

CHAPTER THREE

DALAWANG araw niyang hindi nakita si Eugene. Kaya naman kakaiba ang kasabikang nararamdaman ni Tanya ngayong magkasama ulit sila.

Hindi na alam ng puso niya kung paano kakalma. Nagliliparan ang paro-paro sa sikmura niya. Napatingin siya kay Eugene na tahimik na nagmamaneho papuntang Venice beach.

"Saan kayo galing ulit ng Yaya mo?"

She blinked. "Ahm, sa kaibigan ni Mommy. N-Nagbilin kasi si Mommy na makipagkita kami sa friend niya."

Tumango ito. "Namasyal din ba kayo?"

She hates lying but... 

"Yes. Namili kami sa Farmers Market." Now, that's the half truth. May binili nga siyang relos para kay Eugene. Napansin niya kasing mahalaga lagi ang oras para sa binata. Wala itong sinasayang.

"Did you have fun?"

Tumango siya. But she knew, the past two days could have been more happier with him. 

Sana... sana malakas din ang loob niya katulad ni Eugene. Sana masabi niya rito kung ano rin ba ang nararamdaman niya.

Ngunit nakakatakot na baka mali...

Pagkarating nila sa beach ay agad silang nagpalit ng damit. She wore her one-piece swimsuit. It's black with a conservative cut. Minsan lang siyang nag-two piece na panligo. Iyong mga panahon pang nakakasama niya ang kapatid na si Xan.

I miss you, Xan! Are you watching over me? Nakikita mo ba si Eugene? He's hot, right?

Pagkalabas niya ay agad niyang natanaw si Eugene. Napahinto sa paglapit si Tanya rito. Eugene was doing some stretching. Naka-black trunks na lang ito. And Tanya can freely ogle his upper torso. She knew it! He has a great physique! Toned muscles on the right places.

Eugene stretched his arms. Every move he made, his biceps would flex. He twisted his trunk right and left, his abdominal perfection showed.

Bumaba ang tingin niya sa mga binti at hita nitong tila hinulma nang kaparis kay Adonis. Perfect and powerful. Napakurap-kurap na lang si Tanya. Binasa niya ang mga labi at may kakaibang init na naramdaman sa may tiyan.

If Eugene was a statue, he'd be one of the best—no greatest sculpture of all times. Sun rays kissed Eugene's light browned skin. His sweat was glistening above his broad chest trailing down to his abdominal muscles and...

Nag-init ang mga pisngi ni Tanya at napayuko. Despite the heavy pounding of her heart, she pushed herself to join this hunk.

"E-Eugene."

Napalingon ito sa kanya at natigil sa ginagawa. "Natagalan ka yata?"

Napansin niya ang pasimpleng pagsuri nito sa kanyang suot. Lalo lang nag-init ang pisngi niya. Kunwaring nagpaypay siya ng kamay. "M-Maraming nagpapalit kasi. Ahm..." Tumikhim siya at tinuro ang dagat. "Let's take a dip?"

"Let's go."

Hinawakan nito ang kamay niya at nagpahila naman siya palapit sa dagat. Nilipad nang malakas na hangin ang mahaba niyang buhok. Lumalakas lang ang bawat alon sa paglipas ng mga oras.

"Ngayon na lang ako nakapag-beach ulit."

Napatingin sa kanya si Eugene. "Pero maraming beach sa Pilipinas. Hindi ka ba namamasyal doon tuwing summer?"

Irresistible Eugene (TTMT #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon