Chapter Forty-Two

3.3K 100 11
                                    

First and foremost, pasensya na kung sobrang tagal ko bago naka-update. It's because of two things, first- no time. Studies eh. At given na yun. Second- I am weak at writing drama/heavy scenes kaya rin siguro mapapasin niyo na sobrang late na nito nangyari. Imagine, pang-fortieth chapter nangyari. And this is really just a feel-good story kaya don't expect something big. HAHA. But eto na po siya. Sana nandyan pa rin kayo. Thank you. :)

CHAPTER FORTY-TWO

Sumasakit Na

"Iyong mga pinadala ko sa inyong bagay na binigay ng Ex nyo sa inyo, ilabas n'yo na." sabi ni Sharra bago siya nag-excuse at umalis.

Nakita kong isa isa na silang naglabas ng mga bagay. Lahat sila ay may dala, ako lang ang wala. Syempre, wala ako noong huling session. Tinignan ko si Vinky, itiniklop niya ang isang tshirt sa maayos na paraan at tsaka iyon inilapag sa tuhod niya. May hawak din siyang stuff toy na bear. Tinignan ko naman si Venedict. Ang hawak niya ay isang earphones at isang pares ng sapatos

Kahit pala alam ko rin na magdadala ng ganyang bagay ay wala akong magagawa. Siguro ay magdadala lang ako ng walang halaga sa akin na bagay, tutal wala naman talaga siyang binigay sa akin. Kung meron man ay hindi iyon nahahawakan. Kung meron may ay nabawi niya na iyon mula sa akin ngayon.

Happiness.

Nakaramdam ako ng ibang level ng happiness noong magkaibigan pa kami. Lalo iyong nag-ignite sa pag-amin niya sa akin ng nararamdaman niya, at noong nakita kong gusto niya akong i-pursue.

Pero wala na ngayon. I am empty of him.

Bumalik si Sharra at tila nagtataka ang mata niya habang lumilibot ito sa amin isa isa. Umiling siya at napahawak sandali sa noo niya.

"Alam kong hindi lang iyan ang natanggap niyo mula sa Ex niyo."

Napa-iwas ang ilan sa kanila. Halatang halatang guilty si Venedict at Vinky sa sinabi ni Sharra. Iyong isa naman ay bigla pang naglabas ng isang kahon mula sa bag niya, siguro ay para madagdagan ang ipapakita niya kay Sharra. Ang iba ay gumaya sa ginawa ng isang 'yon.

"Oh boy. You're all stubborn." Muling umiling si Sharra pero nagpatuloy na siya, "Now it's time."

She asked us to place all the things in the center. Pinapili niya kami ng isang bagay na itira at bumalik sa pagkakaupo. Wala akong ginawa since wala naman akong dala. Tinignan ko si Sharra na nakatingin din sa akin. Tumango lang siya at bahagyang ngumiti, alam kong naiintindihan naman niya.

"If you can't hurt them, now's payback time. Gusto kong ilabas niyo ang galit niyo sa pamamagitan ng pagbuntong nito sa hawak niyong bagay ngayon."

Nagtinginan silang lahat, miske ako ay napatingin sa kanila. Wala pang kumikilos, lahat nagpapakiramdaman kung seryoso ba si Sharra sa sinabi niya o hindi. Nagulat na lang kaming lahat nang biglang sumigaw si Venedict at binatak ang hawak hawak niyang earphones.

"I've been trying to get rid of this filthy thing from me ages ago. Now you're wrecked." Patuloy niyang binabatak batak ang earphones para masira ito, "And damn! This feels so good!"

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon