Chapter Eight

5.3K 142 5
                                    

CHAPTER EIGHT
He just can't

Buong araw ko inisip kung ano ba ang gustong mangyari ni Yas sa akin this Saturday? Ipapakidnap kaya ako nito? Ipapasabunot sa isang katutak na unggoy? Ipapakamot kay Wolverine dahil baka iniisip niya ay ang landi ko pa rin dahil kay Brian?

Hay. Kahit nagkklase ay 'yan ang nasa isip ko. I really can't think well! Kailangan ko nang makita si Ran para itanong ang plano sa akin ni Yas ngayong Sabado. O, kung hindi niya alam ay ipapaalam ko sa kanya. I can't stand being left hanging or curious. Hindi ako napapakali.

Nagmadali akong lumabas ng room mula sa huli kong klase ngayong araw. Ang alam ko ay wala na ring klase ngayon si Ran kaya kailangan naming magkita! It's odd that I didn't see him first thing in the morning today. Ano naman kayang pinagkakaabalahan n'on?

Ay, teka! Bago ko puntahan si Ran ay kailangan ko munang makita ang Prins charming ko. May kailangan pa nga pala akong bayaran sa kanya. Iyong bayad doon sa bottled water kahapon. I insisted nga pala na bayaran 'yon para magkita kami ngayong araw. Now's my chance. Hihi.

Kaya lang, saan ko siya hahanapin? Try ko kaya sa Engineering Building? Tama!

Kaya ngayon paakyat ako sa building nila. Medyo kinakabahan ako kasi... hindi ko alam. Basta kinakabahan lang ako kahit parang wala naman talaga dapat na ikabahala.

Pasimple kong sinilip ang bawat room dito sa 2nd flr, pero wala akong Brian na nakita. Tumaas ako sa 3rd flr to do the same pero wala pa rin talaga siya. Siguro naman sa 4th floor ay nandito na siya? Kung may klase man siya, na sana ay meron nga.

"...Natalie!" narinig kong sabi ng isang lalaki bago sila nagtawanan.

Natalie? Ako raw ba?

Sus! Alam ko namang marami akong kapangalan dito. Hindi lang ako ang nagiisang Natalie dito sa Summerridge University.

Lumiko ako sa isang hallway at nakita ko si Brian at ang mga kaibigan niya sa pinaka-una at pinakangmalapit na room mula sa kinatatayuan ko kanina. Is it possible na isa sa kanila 'yong bumanggit sa pangalan ko? O, sa pangalang Natalie kanina?

Nanlaki ang mata ko nang magkatinginan kami ni Brian. Nakaupo siya sa arm rest ng isang upuan nang magtagpo ang aming mga mata. Ang kata n'on ah!

Napatungo ako sa hiya dahil sa kakaibang ngiti ng mga kabarkada ni Brian sa akin, at pati na rin sa kanya. Napaangat lang ako nang naamoy ko ang pabango niya. And right now he's in front of me.

"Natalie?" medyo naguguluhan pa niyang tanong.

"A-Ah, kasi diba, 'y-yong bayad ko kahapon doon sa-"

"Hindi na, Natalie. It's fine. Kahit wag mo nang bayaran." sabi niya habang nakangiti. God, WHY?

"Pero diba sabi mo kahapon, kahit bayaran ko pa rin?" tanong ko. Idc how ridiculous I am right now. Gusto ko lang namang mapatagal kahit paapano ang conversation namin. Hello, pinaghirapan ko siyang hanapin dito ha! Kahit minute-date manlang ay pagbigyan na niya ako, ano.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon