Chapter Fifteen

5.1K 144 11
                                    

CHAPTER FIFTEEN
Shoot

Nandito kami nina Yas at Ran sa Grilla, nagch-chill dahil maagap ang uwi ni Yas ngayon. Sinabi ko na rin sa kanila 'yong nangyari kahapon. Tweaked version nga lang ang pagkakasabi ko kay Yas dahil sa Brian-issue.

"So, what did you two do yesterday?" tanong ko sa dalawa.

"Wala–"

"Project!"

Nagkasabay pa ang dalawa sa pagsagot. Humagikhik na lang ako sa isang tabi sa inakto nila. Ngayon ay parehas silang nagiiwas ng tingin. Gustuhin ko mang tumawa nang malakas ngayon ay nagpiit na lang ako. Nakakahiya kasi sa ibang customer dito.

Walang nagsalita sa kanila hanggang sa sasakyan. Binuksan na lang ulit ni Yas ang stereo para raw matabunan ng music ang maingay kong bibig. What? Ang ganda kaya ng boses ko!

Come on, come on. Jump a little higher! ♪

I like this song! Kinuha ko ang ballpen ko na nasa bulsa lang ng bag ko at kumanta.

"Come on, come on. If you feel a little lighter! ♪"

Yas shot me a bored face, "Seriously?"

"Come on, come on! We were once upon a time in love! ♪" inilapit ko pa ang bibig ko sa may tenga niya habang feel na feel ko ang kanta.

Pinatay ni Yas ang music kaya't napatawa si Ran. Now it is my time to glare at them for a second, pero dahil walang makakatalo sa mood ko ngayon ay itunuloy ko na lang kantahin 'yung lyrics.

"We're accidentally in love! Accidentally in love ♪"

"Give it a break, Nat." natatawang sabi ni Ran nang sulyapan niya ako sa gitnang rear view mirror.

Sumandal ulit ako at itinabi ko na ang ballpen ko. "I guess I am not destined to be a singer, huh?"

"You bet you don't!" pang-asar pa ni Yas.

Kahit kailan talaga ay bullied ako rito sa dalawang ito. Ano bang ginawa ko sa kanila? Maganda lang naman ako ah? Joke!

"Ako na ang unahin mong ihatid, Ran." sabi ko. Nagtext kasi kaninang tanghali si kuya Drian at kuya Pao na pupunta sila sa bahay mamaya para makikain ng dinner.

"Ran, please, ako na lang!" agad na sigaw ni Yas.

"Kung maka-sigaw naman 'to, parang hindi laging sinosolo ni Ran." bulong ko sa sarili ko. Pero hindi ako makakapayag. "Hey Ran, may pupuntahan kami ng mga pinsan ko tonight so I have to be home right now." pag-dahilan ko kahit hindi naman talaga.

Nakita ko ang pag-kunot ng noo ni Ran habang nagtatalo kami ni Yas kung sino ang mauuna niyang ihatid sa aming dalawa. Gusto kong ako na ang mauna talaga ngayon. I don't know why this is such a big deal for me now, but I think I just have to do it. Instinct kumbaga.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon