Chapter Fifty

3.5K 99 17
                                    

Chapter Fifty

Not Yet

Walang araw na hindi ako kinulit ni Brian. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinapansin kahit alam kong pu-pwede naman na dahil alam na ni Yas ang totoo. Siguro, deep down inside, may hinahanap akong salita mula sa kanya. I was taken about when he said he... loves me. Nanghina ako dahil doon, but still may hinahanap ako.

"Mabuti naman at nagkaroon na ng lakas ng loob si Brian!" Sabi ni David. Simula noong Sabado ay napagisipan kong pansinin na sila dahil wala naman silang kasalanan. At isa pa, wala na rin naman akong magagawa dahil hindi ko na maiwasan si Brian kahit pinipilit ko pa rin siyang layuan.

"Bakit nga ba hindi mo kami pinapansin noon, Nat? Nakaka-ouch ng heart, ha?" Inilagay pa ni Jairus ang kanyang kamay sa tapat ng dibdib niya at umaktong sumasakit iyon. Natawa na lang ako. Ayoko nang ungkatin ang mga nangyari. Tapos na, di na kailangang balikan.

"Nasaan na nga pala 'yon?" Tanong ni Owen.

Tumawa nang malakas si Jeremy, "Baka naghahanap pa ng formula para mapa sagot si Natalie."

Pakiramdam ko ay nawala lahat ng dugo ko sa katawan at umakyak lahat sa mukha ko. Umiwas ako.

"Oh, oh, 'wag kang aalis, Natalie." Pigil naman sa akin ni Jairus. "Sabagay, kahit naman umiwas ka ay hindi ka pa rin pakakawalan ni Brian."

Kahit pag nasa bahay na ako o hindi kami magkasama ni Brian at ng barkada niya ay kinukulit niya pa rin ako sa pamamagitan ng text. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na replyan siya.

Brian

I can't text you now, Nat. Requirements shit.

Hindi ako nag-reply sa kanya. Kahit ayokong magtampo ay nagtatampo ako. Siguro ay hindi na ako sanay nang hindi niya ako kinukulit sa text kahit panay ang pakipot ko sa kanya. Oo, aminado akong pakipot ako.

Pero sa kabila ng pagtatampo ko ay naiintindihan ko siya dahil malapit nang matapos ang sem at magbakasyon. Malapit na akong mag-fourth year at malapit na rin akong magtapos. Naisip ko tuloy kung saan ba ako mago-OJT.

Lumipas ng limang minuto bago siya nagtext ulit.

Brian

God, I miss you already! Please, don't get mad. :(

Napangiti ako roon. Maybe I should bring back the heart now? Nagreply na ako.

Me

I am not mad. Do your things, don't mind me.

Dahil sa reply kong iyon ay napahaba pa rin ang conversation namin. Ilang beses ko nang sinubukan na putulin ang paguusap pero hindi ko rin mapigilan talaga ang sarili ko kahit ako mismo ay maraming gagawin.

Brian <3

Don't break our texting. Mas napapadali ang gawain ko kapag ka-text kita.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon