Chapter Thirty-Two

4.1K 117 13
                                    

PS sa unahan: Kasama ko ang real life Sien at Mae kahapon, nanood kaming TFIOS, at ayon nakakatuwa pa rin silang dalawa. Hahahaha! Tho awkward. Share.

CHAPTER THIRTY-TWO

Indirect

"Magsasayaw din kayo? Bakit kayo nandito?"

Hindi ko inintindi kung ano iyong sinabi ni Jeremy kasi hindi ko naman alam kung bakit magiging chicken si Brian. Eh ang gwapo gwapo noon. Tss!

"Hindi kami magsasayaw, Nat. Dumaan lang kami." sagot ni Jeremy.

Itatanong ko na sana kung bakit pa sila dumaan pero sinagot na niya rin ito.

"We're on the way so we decided to drop by."

And he did not? Sabagay, mabuti na rin iyon dahil ayokong makita niya akong sweaty tulad ngayon. At tsaka baka hindi na ako noon kausapin kapag nakita niya akong nagsasayaw. Aaahhh!!!! Can't let that happen.

"To drop by to see you dance, Nat." tumatawang pagtuloy ni Jeremy.

I gave him a wth-look at sinunod si Sien. Hindi ako pumayag dahil nakakahiya. Baka mamaya ireport nila ito kay Brian eh, edi nalagot na.

"Ayoko. Kayo na lang."

Sabay sabay silang umiling at tumanggi. Sinabi kong sayang naman ang punta nila rito kung wala silang mapapala kaya ipush na nila. Umayaw pa rin sila pero si Jeremy ay mukhang napapayag ko na.

Sa huli ay si Jeremy ang pumilit sa iba pa nilang kabarkada na magpaturo na rin ng sayaw kay Sien. Tawa ako nang tawa habang vini-video sila. Ia-upload ko ito mamaya for sure.

Sabay sabay na rin kaming umalis sa Flow dance studio. Nagkaiba lang kami ng direksyon dahil may pupuntahan pa nga sila Jeremy.

Natapos ang araw ko nang iniisip kung nasaan si Brian. Grabe. I just realized how drawn I am to him. Hindi na ito maganda. Parang... ayoko na. Kasi hindi ko naman alam kung may patutunguhan itong feelings ko. Baka kasi friendship lang talaga ang gusto ni Brian sa amin.

For a week ay ito lang ang ginawa namin ni Sien, hanggang hapon lang naman kami kaya nagagawa pa niya 'yung iba niyang agendas. Hindi rin ako nakakaattend ng mangilan ngilang sessions sa Exes Club. Marami na akong na-miss. Okay lang iyon, ang kaso lang sa akin ay si Yas. Nagi-guilty din naman ako kahit papano. Pero kapag naiisip ko na galing naman sa club itong pagsasayaw na ginagawa ko ay medyo nagiging kampante ako.

At least the club pushed me into doing something new.

Kamusta na kaya si Yas sa Cali? Eh si Ran kaya sa Camea? Nakita na kaya niya roon ang bahay ni Arista? Nakakainggit talaga iyong dalawa! Hay.

"Teach me new steps, Sien!" I shrieked excitedly. "Maybe Talk Dirty?" tumawa ako.

"Sus! Gayahin mo na lang ang steps nina Vice Ganda d'on."

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon