Chapter Thirty-Eight

4.2K 124 6
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

Ipapasa

"Dali na, Natalie. Anong tingin mo sa kanta ni Brian?"

Kanina pa nila ako kinukulit at pinipilit sabihin ang kumento ko tungkol sa ginawa ni Brian. Lalo na itong si Jeremy, hindi talaga matigil.

"At tsaka doon huli niyang pag-banat." hindi mapigilan ni Jairus ang pagtawa niya. "Bro, dalaga ka na talaga!" pabiro pa niyang binatukan ni Brian.

Walang nasabi si Brian, nakatingin lang siya sa malayo at mukhang hiyang hiya na sa ginagawa ng mga kaibigan niya. May mga beses na napapatungo na lang siya dahil hindi niya na rin mapigilan ang pagngiti sa mga kantyaw sa kanya ng barkda niya.

Ako naman, hindi ko na naitago ang pagtawa ko. "No comment."

"Seryoso, no comment?" sumipol na parang hindi makapaniwala si David na wala akong masabi.

"Words aren't enough, though." na lang ang sinabi ko. At tulad ng usual na nangyayari ay nabuhay ang bilog namin sa kanilang hiyawan.

Sunod sunod nilang ginulo ang buhok at buhay ni Brian. Napakagat ako sa labi ko nang makita ko ang itinatagong ngiti ni Brian, kita ko rin ang pagpula ng magkabila niyang pisngi.

"Why not Natalie sing in return?" masamang idea ni Owen. Ngayon pa lang ay panay na ang iling ko. Ganito pala ang pakiramdam. Parang gusto ko nang i-glue ang sarili ko sa upuan, o kaya itali ang sarili ko kay Brian ngayon pa lang.

Hinihigit na ako nila Jeremy nang biglang tumayo si Brian at inawat ang mga kaibigan niya.

"Dudes, ayaw niya."

Kahit seryoso ang pagkakasabi ni Brian noon ay tila hindi siya sineryoso ng mga kaibigan niya.

"Tara na nga. Ang protective naman kasi, eh di pa nga boyfriend." umiiling iling na sabi ni David.

"Paano kaya kapag asawa na? Edi wala ng nakausap si Natalie na lalaki. Woah. Taling tali!" ngising ngising sabi ni Jairus.

"Wicked!" Nakipag-high five si Owen kay Jeremy.

Kahit ayokong matawa dahil sa expression ngayon ni Brian na seryoso pa rin ay hindi ko na napigilan. Tumingin sa akin si Brian at bahagyang nagmukhang nagtatampo kaya hinawakan ko ang braso niya para sana kumalma siya kahit kaunti.

"It's ten already, Nat. Iuuwi na kita."

Kahit gusto ko pang mag-stay ay tumango na ako. Kung kanina ay gumana pa ang powers nina Jeremy na pigilan kaming umalis, ngayon ay hindi na. I've never seen Brian this serious, not in a negative approach though.

Hindi na rin nakapalag sina Jeremy nang maging seryoso si Brian. Nagpaalam din kami sa mommy ni Jeremy at nagpasalamat. Muntik pa akong mapagkamalan ng mommy ni Jeremy pinopormahan ng anak niya. Ngumiti lang ako noon at simpleng tumanggi.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon