3rd Encounter

8K 190 38
                                    

3rd Encounter


(3rd Person)


Sinalubong siya ng kanyang ina sa may pintuan. Nakawheel-chair ang kanyang ina sapagkat paralisado ang kalahati ng katawan nito.


Iginupo ito ng sakit na polio maraming taon na ang nakalipas.


Silang dalawa na lamang ng kanyang ina ang magkasama sa buhay sapagkat pumanaw na ang kanyang ama. Pinaslang iyon ng isang kaaway sa negosyo ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang hustisya ang pamilya.


Pero maalwan silang namumuhay na mag-ina kahit wala na ang ama ng tahanan. Bukod kasi sa yamang iniwan ng namayapang ama, mayaman din ang pinanggalingang angkan ng ina.


Minaniobra ng kanyang ina ang mga gulong ng wheelchair para makalapit sa kanya. Mamasa masa ang mga mata nito habang pinagmamasdan siya.


"Napakadumi ng suot mong uniporme. Nakipag-away ka na naman ba Loki, anak?"


"Ayos lamang ako."
 ang tugon ni Loki.


"Anak.. Alam kong kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan—dahil sa baldado ako kaya't hindi kita maalagaan. Pero sana wag mo namang sirain ang buhay mo.. Natatakot ako na mapaano ka na naman— alalahanin mong kakagising mo lang mula sa pagkakacomatose nung isang buwan."



Naluha ang kanyang ina. Dinukot ni Loki ang isang panyo mula sa bulsa niya at pinunasan ang mga basang pisngi niyon.


"Wag ka nang umiyak ina.. Magbabago na ako. Napag-isip isip kong gusto kong mabuhay para alagaan ka."


Bago umakyat si Loki papunta sa sariling silid, hinagod muna niya ang mga walang buhay na binti ng ina.


Tulalang pinagmasdang ng ina si Loki. Ibang-iba na ang pagkatao niyon buhat nang magising sa pagkakacomatose.


Mahigit isang buwan iyon sa ganung estado. Naaksidente kasi ito dahil sa pagsali sali sa drag racing. Ang sabi sa imbestigasyon ay nakabanggaan ng kotseng minamaneho nito ang kotse ng kalaban sa karera. Kapareho ni Loki, comatose din yun at himalang nagising ilang araw bago naman nagkamalay si Loki.


Parang hinipo ng Diyos ang anak niya nang magkamalay. Hindi na siya nito pinagtataasan ng boses at magalang na kung magsalita. Hindi na rin ito umuuwi nang may mga galos kung saan saan. At himalang araw araw na itong umuuwi ng bahay di gaya noon na mas gusto nitong magpalipas ng magdamag sa lansangan kasama ng barkada.


Pinagdaop ng ina ang kanyang mga palad at tahimik na nagdasal. "Sana ay tuloy-tuloy na po ang pagbabagong nangyayari sa aking anak.. Gabayan niyo po siya."


Nagpunta siya sa dirty kitchen upang kausapin ang kanilang tagapagluto. Ang nais niya ay ipaghanda ng espesyal na hapunan ang kanyang nag-iisa at pinakamamahal na anak.

LOKI: The Next BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon