Chapter 23

1.4K 26 0
                                    

Pagtapos namin kumain ng hapunan ay naligo na ako para makapagpahinga na. Sobrang frustrated ako ngayong araw. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Andy nakaupo sa gilid ng kama namin.

"Bakit gising ka pa?" Naglakad na ako sa closet para magbihis na pero napahinto ako sa pagkuha ng damit ko nang yakapin niya ako mula sa likod. "Wife?"

"Natatakot lang ako baka mawala ka sa amin ng anak mo, Nathan."

Humarap ako sa asawa ko at niyakap ko siya.

"Hindi ako mawawala sa inyo. Walang mangyayaring masama sa akin. Uuwi ako gabi-gabi sa inyo ni Amaris." Pinunasan ko na ang luha na pumapatak sa mga mata ni Andy at hinalikan ko siya sa kanyang labi saka ko siya pinahiga sa kama namin.

"Mama! Papa!" I groaned when I heard our daughter's voice from outside of our room.

Naiinis na ako ah. Unang una naging isturbo sa amin yung anak ni Ethan tapos ngayon ang sarili kong anak. Tsk.

"Bakit gising pa rin si Amaris ngayon?" Tanong ko kay Andy.

"I have no idea. Sige na asikasuhin ko lang si Amaris at magbihis ka na rin." Wala na rin ako magagawa kaya umalis na ako sa ibabaw ni Andy at lumabas na rin siya agad sa kwarto namin.

Bwesit. Bwesit!

Humiga na ako sa kama namin pagkabihis ko ng damit. Kung dati ay hindi ako sanay na may damit habang natutulog pero ngayon kailangan ko na magsuot lalo na kung bigla bigla na lang pumapasok sa loob ng kwarto namin si Amaris. Gusto ko pa naman sana sundan ang anak namin dahil limang taon na rin naman at siguro pwede na namin siya sundan, no!

"Nathan, tulog ka na ba?" Nilingon ko si Andy noong tumatabi na siya sa akin. "Alam kong bitin ka sa nangyari kanina dahil sa pagtawag sa atin ni Amaris."

"Buti naman alam mo." Inis kong tugon sa kanya. Naiinis naman talaga ako, eh.

"Ano ka ba! Anak mo iyon."

"Ang gusto ko lang naman magkaroon ng anak na lalaki, Andy. Limang taon na rin naman ang anak natin kaya pwede na natin siya sundan, diba?" Bumunagon ako para umupo sa kama namin.

"Nathan, hindi pwede."

"At bakit naman?" Kumunot ang noo ko sa kanya pero isang ngiti lang ang binigay sa akin ni Andy. Lumapit siya sa akin para yakapin ako.

"Because I'm two months pregnant. Kanina ko lang nalaman buntis ulit ako, Nathan." Namilog ang mga mata mo sa aking narinig.

"Talaga?" Tumango siya sa akin kaya yung inis ko kanina ay napalitan ng saya. "Andy, thank you. I love you."

Kinaumagahan ay maaga akong nagising sa mag-ina ko. Hindi na ako yung dating Nathan na mahirap gisingin dahil mas nauuna na nga ako magising sa manok ngayon.

"Ang aga mo naman nagising ngayon." Napatingin ako sa likuran ko sabay ngiti sa kanya. "Seven in the morning pa lang, Nathan."

"I know, wife. May kailangan kasi akong asikasuhin ngayon kaya kailangan kong umalis ng maaga."

"Saan ka pupunta? It's Saturday."

"Warehouse. Hindi kasi titigil hanggang wala pa akong nakukuhang impormasyon kung sino ang pumatay kay Ariana at gusto ipapatay si Colt at Rex."

"May balita ka na ba kung kamusta na ang kapatid ni Ariana?"

"Wala pa." Hindi ko nga pala naitanong si Ethan noong nakausap ko siya kahapon. I enjoyed to talk with him about the woman he courted yesterday.

"Basta magiingat ka na lang ah."

"I will." Nilapag ko na ang niluto kong pagkain sa mesa. "Tulog pa ba si Amaris?"

"Yes. Ang sarap nga ng tulog niya ngayon habang yakap ang teddy bear na binigay mo sa kanya." Ngumiti ako. I gave a teddy bear to our daughter dahil kinukulit niya kami ni Andy bilihan siya ng teddy bear.

"Bakit pala ang aga mo nagising ngayon?" Tanong ko at umupo na sa harapan ng hapag kainan. Nagsimula na kami kumain ni Andy.

"Wala ka na kasi sa tabi ko kaya nagising ako. Ang akala ko pa naman maaga kang pumasok pero naalala kong Sabado pala ngayon kaya wala kang pasok sa trabaho. Matutulog rin ako mamaya pagalis mo. I'm kinda sleepy pa."

Sa totoo lang wala na talaga ako hihilingin pa. Binigyan ako ng isang magandang asawa at mabait na anak kahit sabihin natin wala masyadong alam si Andy sa gawaing bahay pero onti-onti siya natuto magalaga sa isang baby simula noong pinanganak niya si Amaris. Hindi ko rin kaya kung mawala ang mag-ina ko kaya gagawin ko ang lahat para protektahan sila sa lahat na tao naging kalaban ng golden dragon. Wala akong ideya kung prinotektahan ba ni dad si mama noon sa mga naging kalaban nila pero alam ko lang disband na ang golden dragon bago pa kami pinanganak ni Ethan.

Dumeretso na ako agad sa warehouse para maghanap ng impormasyon sa nangyari five years ago.

"Oh, damn it!" Wala pa rin kasi ako mahanap na impormasyon. Malinis siya kung magtrabaho pero kung matapang ang may gawa nito ay humarap siya sa aming apat.

Lumabas na ako sa security camera room pero nakita ko ang pagpasok ni Luke sa warehouse ng golden dragon.

"Nathan? Ano ang ginagawa mo dito sa ganitong oras?" Nagulat pa siya pagkakita sa akin.

"Naghahanap ng impormasyon pero malinis ang taong ito dahil wala akong makita na kahit ano. Kung matapang siya ay sana noon pa lang humarap na siya sa atin."

"I don't think gagawin niya iyan. Kung alam niyang mapapahamak lang siya pag humarap siya sa ating apat." Lumingon ako noong marinig ko ang boses ni Gio.

"Ikaw ang may experience sa ganitong bagay, Gio dahil dati kang gang leader." Tugon naman ni Luke sa kanya.

"Maybe I am. At wala naman akong nakalaban na ganito noon. I mean hindi magpaparamdam ang magiging kalaban namin. Ang huling nakalaban ko ang dati kong girlfriend at ang isang pinagkatiwalaan ko."

Narinig ko nga yun noon bago pa sila nagpakasal ni Star. May naging girlfriend si Gio noon at hindi lang iyon dati pala niyang miyembro ang kanyang ex girlfriend. Labag nga sa kalooban ni Gio gumamit ng baril pero ginawa lang daw niya iyon para protektahan si Star sa gustong pumatay sa pinsan ko.

"Guys, sino pala nagsabi kay Ethan ang tungkol sa nangyari kay Rex Carter?" Biglang pagsulpot ni Gavin kung saan. Napalunok ako dahil ako lang naman nagsabi kay Ethan.

"Sorry, guys ako ang nagsabi kay Ethan ang tungkol doon dahil nandito siya kahapon kaya nabanggit mo ang nangyari pero hindi naman siya sasali sa plano natin."

"Mabuti naman kung ganoon." Sabi ni Gio.

"Hindi pa rin tayo pwede maging manahimik at relax lang dito. Pag nalaman ni Ethan kung sino ang mastermind ay baka siya pa mismo ang sumugod." Ani Luke. Tama naman siya katulad noong nawawala si dad. Si Ethan ang nakahanap kung saan nila dinala si dad noon. Magaling ang kapatid ko kaysa sa akin.

Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon