Chapter 15

1.5K 39 0
                                    

Andy's POV

Pagkagising ko kaninang umaga ay nakayakap sa akin si Nathan, siya lang naman ang kasama ko rito sa bahay kaya malabong ibang tao kaya nilingon ko siya at nakita kong nakatingin lang siya sa akin. Nagagandahan ba siya sa akin? O baka narealize na niyang mahal niya rin ako. Asa ka pa, Andy.

"Makayakap ka naman diyan akala mo mawawala ako sayo." Biro ko sa kanya pero inirapan lang niya ako bago bumangon. Ano iyon? Moody? Umagang umaga moody ang lalaking ito. Sino ba ang buntis sa aming dalawa? "Hoy, okay ka lang ba?"

"I'm fine. Magluluto lang ng lunch natin." Tumayo na siya bago lumabas ng kwarto. Wait, did he said lunch?! Tinanghali na pala ako ng gising at hindi man lang ako ginising ni Nathan.

Pagkababa ko ay dumeretso na ako sa kusina.

"No, I want to cook for my wife." Sabi ni Nathan sabay suot ng isang apron. A successful businessman who can also a cook. Saan ka pa?

"Okay, sir." Iniwanan na siya ng maid. We hired a maid para may uutusan kami para sa groceries and house chores.

Kaya lumapit na ako kay Nathan sabay yakap mula sa likuran niya at halatang gulat siya sa pagyakap ko.

"What the hell, Andy?! Nakikita mo naman nagluluto ako rito."

"Bakit ba ang moody mo ngayon?"

"Wha-- Hindi ako moody. Stress lang ako sa trabaho."

Stress sa trabaho? May problema siguro si Nathan sa kumpanya niya.

"You have some massage? I can massage your back later."

"Marunong ka? Ni hindi ka nga marunong sa gawaing bahay and we hired maid because you want." Sumimangot ako sa sinabi nito. Nakakainsulto ah. Kaya bumitaw na ako sa pagkayakap sa kanya.

"Ano ang pinaglalaban natin dito, Nathan? Fine, mas mabuti lang umalis na lang ulit ako." Pinunasan ko agad ang luha ko. Damn! Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak dahil ba sa hormones ko o sa mga sinasabi ni Nathan.

"Shit. Please, don't do that." Niyakap na niya ako habang humihikbi. "I'm sorry."

Pero noong nakakuha ako ng lakas ay tinulak ko si Nathan at halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"I hate you!" Nagmamadali akong umalis sa kusina.

"Andy, wait! Andy!" Pagtawag niya sa akin pero hindi ko na lang siya pinakinggan. Bahala na siya diyan! Palagi na nga siya wala sa bahay. Sabagay nasa kumpanya naman niya ang pride niya.

"Andy, open this door!" Utos ni Nathan habang kumakatok sa pinto ng kwarto, ni lock ko kasi yung pinto.

"Bahala ka diyan! Diyan ka matulog sa labas! Ayaw ko sayo!"

"Damn it!" Puro mura na lang naririnig ko sa labas pero maya maya pa ay kumatok ulit siya. "Open this damn door, Andy! Please..."

Hindi ko na pinakinggan si Nathan at humiga na lang ako sa kama habang humikbi. Ang sakit pala ng ganito kahit alam ko naman malabong magustuhan ka ng isang lalaki. Sino ba naman ang magkakagusto sa katulad ko? No one can love like me. Wala na si papa na nagmamahal sa akin.

"I give up! Ayaw ko na itago itong nararamdaman ko." Napabangon ako ng higa. Anong ibig niyang sabihin doon? "Mahal kita, Andy kaya ayaw kong mawala ka sa akin. Tagal kong tinago sayo ang nararamdaman ko dahil takot kong mawala ka sa akin!"

Namilog ang mga mata ko sa aking narinig totoo ba ito? Mahal rin ako ni Nathan?

Binuksan ko na ang pinto at agad naman ako niyakap ni Nathan.

"Please don't do that. Ayaw kong mawala ka sa akin kaya hindi ko masabi sayong mahal kita." Ginantihan ko na rin siya ng yakap pero humihikbi na naman ako. Mahal rin ako ni Nathan.

"M-Mahal mo ko?"

"Yes, I love every part of you. Kahit iyang ugali mo. Kahit magsungit ka pa sa akin." Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko at ang ganda pagmasdan ng mga mata ni Nathan.

"K-Kailan pa?"

"After our honeymoon noong pinagbawalan na kita bumisita pang muli sa kumpanya pero nagkamali ako dahil nasanay na ako sa presensya mo araw-araw. You always barged in kahit pinagbawalan ka na pumasok sa opisina ko pero wala kang pakialam but that day I felt so empty and I've looking for your presence kahit alam kong hindi ka magpapakita sa akin. Noong umalis ka, I was so scared. Natatakot ako baka hindi ka na bumalik pero naghintay pa rin ako. Nawalan na nga akong ganang pumasok because I'm always looking for your presence in my office. Yung may babaeng magiinit ng ulo ko tuwing umaga. Yung babaeng palagi nangbubwesit sa akin. Ang babaeng kinakainisan ko noon pero minahal ko naman ngayon. Andy..."

"Nathan."

"I'm asking you to marry me again but this is for real."

"No, wala ka ngang singsing at magpropose ka na muna sa akin ng maayos."

"I will, babe." Sasagot pa sana ako pero siniil na ako ng halik ni Nathan at binuhat na niya ako hindi napuputol ang halikan namin hanggang sa pinahiga na niya ako sa kama.

Nagising na lang ako ay gabi na sa labas at tiningnan ko na lang yung lalaki nasa tabi ko. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko ang nangyari kanina. Mahal ako ni Nathan. Akala ko hanggang panaginip na lang iyon pero naging totoo dahil matagal na akong mahal ni Nathan. Pinagmamasdan ko ang gwapong mukha ng asawa ko and I caressed his face.

"You're up." Nakangiting sabi niya.

"It's already evening, Nathan."

"I know." Hinila pa niya ako para mas lumapit sa kanya.

"Nathan, ang sabi mo kanina takot kang iwanan. Why? Bakit mo naman iisipin na iiwanan talaga kita?"

"Someone left me. She is the reason why I don't do a relationship or a serious relationship. Ngayon lang ulit nang dahil sayo."

"Bakit naman niya iyon ginawa sayo?"

"She chose other guy. She was my girlfriend way back in college but during our graduation nakipaghiwalay siya sa akin and she told me she love someone else. Nasaktan ako ng sobra dahil minahal ko siya, nakalimutan ko na nga ang sarili ko para sa kanya."

"Maybe you are an asshole pero sweet ka rin naman, eh. Mali ang naging desisyon niya na iwanan ka." Ngumiti siya sa akin. "Pero nagpapasalamat na rin ako sa kanya dahil nakilala kita."

"I love you too."

Sana nga hindi ito isang panaginip. Kung panaginip lang ito ay sana huwag na ko magising pang muli dahil ayaw ko pagkagising ko ay hindi pala ako mahal ni Nathan.

"Kahit ganyan ka, Nathan ay minahal kita kaya hindi ko magagawang iwanan ka. Baka magsisi lang ako sa huli kung gagawin ko yun. Pero alam ba ni Ethan o ng mga kaibigan mo ang tungkol diyan?"

"Wala nakakaalam na kahit sino. Ikaw lang ang pinagsabihan ko tungkol dito because you are my wife."

Kung dati ay wala naman balak si Nathan pakasalan ako dahil alam ko namang may balak siyang hiwalayan ako pag nainis siya sa akin. Marami siyang kilalang lawyer na pwedeng tumulong sa kanya para sa divorce namin include his older brother, a successful lawyer.

~~~~

Comment and press ☆ to vote.

Hate At First SightWhere stories live. Discover now