Chapter 8

1.4K 49 0
                                    

Pagkatawag ko ng nurse para puntahan sila agad dito dahil sa nangyari kay Andy at hindi maganda ang kutob ko. Kinakabahan talaga ako.

"Tsk..." Agad kong tinanggal ang dextrose sa isang kamay ko at pinuntahan si Andy sa kabilang kwarto pero pinigilan ako ng isang nurse.

"Sir, you are not allow to get out of your bed."

"No. I need to see my wife!" Your wife? Inaamin ko kasal naman kami kahit wala akong nararamdaman sa kanya at may isang doctor na lumabas galing sa kwarto kung nasaan si Andy.

He told me everything kahit ang pagkawala ng anak namin. Sa loob ng tatlong linggo ay masyadong naistress siya at hindi na rin siya masyado kumakain sa oras. Why, Andy? Bakit ganito? Talaga bang gusto mo mawala yung bata? Damn it!

Pumasok na ako sa loob ng kwarto niya at lumapit sa kanya dahil nakikita kong nagising na siya.

"What am I doing here?" Tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim dahil kailangan niya ito malaman.

"We lost our baby." Walang ka-expression expression ang mukha ko habang sinasabi sa kanya iyon at nagulat pa siya sa binalita ko. "Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang ipalaglag ang bata? Kaya ito kusa na naglaglag ang bata sa sinapupunan mo. Masaya ka na?"

"Hindi. Mukha ba ako masaya ngayon, Nathan? Siguro nga noon gusto ko ipalaglag yung bata pero sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti mo ay nagbago na ang isip ko."

"Tsk. Save your lame excuses, Andrea."

"Nathan naman." Napapailing na lang ako ng ulo dahil ayaw ko na marinig pa kung ano ang sasabihin niya.

"From now on I don't want to see you anymore and also you're banned to come in my company." Seryosong saad ko sa kanya.

"Nathan, hindi mo pwedeng gawin iyan. Anak ako ng isa sa mga board member."

"Kapag nagkita ulit tayo balik estranghero lang ang lahat." Sabi ko bago lumabas sa kwartong iyon kahit tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na lang pinapansin. Nagulat ako na makita sina Luke at Gio.

"Ano yun? Bakit nasa room na iyon ang asawa mo?" Tanong ni Luke.

"Wala. Ayaw ko na pagusapan."

"Bro, what are you doing?" Tanong naman ni Gio.

"Uuwi na."

"Iiwanan mo rito ang asawa mo?"

"First of all she is not my wife. Pumayag lang ako sa kagustuhan ng ama niya."

No, that's not true. Hindi ako pumayag dahil sa kagustuhan ni mr. Valdez. Pumayag ako dahil gusto ko. Pumayag ako kasi gusto ko siyang alagaan, protektahan.

Ilang araw na nga lumipas noong bumalik ako sa bahay kaya yung mga kasama ko dito ay nagulat sa nangyari sa akin pero hindi ko sinabi sa kanila ang totoo. Si Ethan nagpakasal na rin siya bago ako kahit hindi niya sabihin sa amin ay alam kong mahal pa rin niya ang ex girlfriend niya. Kilala ko ang kapatid ko, kung galit siya ay nawawala agad ang galit niya lalo na kung mahal niya. Hindi niya magagawang magalit kay Ariana ng matagal.

Bumalik na rin ako sa trabaho dahil dito ko na aalabahin ang oras ko para makalimutan ang sakit.

"Good morning, sir." Bati sa akin ni Miggy kaya tumango lang sa kanya.

"Do I have a meeting for today?" Tanong ko kaya napatingin siya sa tablet na hawak niya. Doon kasi niya nilalagay ang mga meeting schedule ko o appointment.

"Yes, sir. You have a meeting with the board at three." Tumango ulit ako sa kanya. Kakabalik ko lang board members agad ang kameeting ko. Sana nga lang wala si mr. Valdez dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

"Okay, then. Remind me three minutes before." Naglakad na ako papunta sa opisina ko.

"Ah, sir." Huminto ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Miggy kaya humarap ako sa kanya.

"Yes? Do you need something else?"

"It's really rare for not seeing ms. Valdez here." Sabi nito kaya hindi ako nakasagot agad.

"I banned her to come here. Starting today she won't allowed to come in my company again."

"Ohh... Okay, I'm going back to my work."

Pagkapasok ko ay umupo na agad ako sa sviwel chair. Damn! Ang tahimik ng opisina ko pag wala presensya ni Andy dito. Yung palagi niya pinapainit ang ulo ko tuwing umaga at iniisturbo ang trabaho ko.

I sighed...

Umiling na lang ako ng ulo bago magtrabaho. Kailangan kong kalimutan ang mga iyon dahil simula ngayon ay wala ng Andrea Valdez na makakapasok sa kumpanya ko.

"Sir, get ready for your meeting with the board."

"Okay. Thank you." Tumayo na ako para ayusin ang mga kailangan dalhin.

Pagkarating ko sa function hall ay nilibot ko na muna ang paningin ko. No signs of mr. Valdez yet pero nandito na yung dalawa.

"Hindi ko alam na bumalik ka na pala, Nathan." Tugon ni Luke sa akin.

"Kailangan ko rin bumalik agad dahil ilang araw rin ako hindi pumasok."

"Ayos na ba ang sugat mo?" Si Gio naman ang nagtanong sa akin.

"Yes, magaling na rin ang nakuha kong sugat." Umupo na ako sa isang upuan kung saan ako madalas nakaupo. "Anyway, is mr. Valdez coming later?"

"Oo, member pa rin siya ng board. Bakit?" Tanong ni Luke.

"I can't face him after what happened to me and his daughter." Sagot ko.

Nagsidatingan na yung mga board members at sa masamang palad ay dumating rin si mr. Valdez. Habang nagdidiscuss ay tinitingnan ko si mr. Valdez dahil ang laki ng pinayat niya, siguro hindi na siya nagpagamot kahit sinabi ko sa kanya noong sinabi niya sa akin tungkol sa sakit niya.

Pagkatapos ng meeting ay tumayo na agad ako para makaalis na agad dito sa function hall.

"Mr. Andrada." Napapikit ako mg mariin nang tawagin ako saka nagmura ng mahina at humarap sa kanya.

"Yes, mr. Valdez?"

"Can we talk for a moment?"

"Sure." Pinauna ko na si Miggy bumalik sa opisina ko kaya umupo na ulit kami ni mr. Valdez.

"May naging problema ba kayo ng anak ko, Nathan?" May pagaalala sa boses nito.

"I can't give you the whole detail, sir and sorry po kung hindi ko natupad ang pinangako ko sa inyo."

"No, it's alright. Hindi ko rin naman maitatago kay Andy ang totoo."

"But still sorry, sir. Pero kailangan po muna namin magkalayo ni Andy---"

"Gusto ko lang sabihin sayo na simulang bumalik sa bahay si Andy ay hindi na siya lumalabas ng kwarto niya at hindi na rin kumakain. Kaya nagaalala na ako sa kanya." Hindi ako makaimik sa narining ko. Bakit ganoon? Ito naman ang gusto niya mangyari, 'diba? Dapat nga matuwa na siya na hiwalay na kami but not literal separate. "Ang gusto ko lang sana na bisitahin mo siya."

"I-I'll try, sir. I will check my schedule for tomorrow." Sabi ko at nagpaalam na rin kay mr. Valdez pero sa masamang palad ay nahimatay ang matanda. Shit. Kaya nagtawag ako ng tutulong sa akin at tumawag na rin ako ng ambulansya.

Hate At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon