Chapter 3

1.8K 50 0
                                    

Two years later...

Hindi ako makapaniwalang wala na si tito Zach. Hindi ko naman pwede sisihin si Ethan sa nangyari dahil wala naman siyang kinalaman dahil biktima lang siya dito. Halatang mahal niya si Ariana pero intensyon pala ito kaya pumayag na maging girfriend. Tsk. Dalawang taon na rin kasi iniiwasan ni Ethan si Luke kaya ito inutusan ako ni Luke na hanapin ko si Ethan at isa lang ang naiisip kong pwede niyang puntahan. Ang shooting range. Doon ko kasi madalas nakikita si Ethan lalo na sa ganitong situation, doon niya kasi nilalabas ang sama ng loob niya. At hindi nga ako nagkamali dahil nandito nga siya ngayon.

Dahil buo na ulit ang Golden Dragon ay ang warehouse na palaging meeting place namin. Pagkapasok namin ni Ethan sa warehouse ay pinatawad naman siya ni Luke dahil alam naman niyang walang kasalanan si Ethan sa nangyari kahit sisihin pa daw niya si Ethan ay hindi na maibabalik ang buhay ni tito Zach. Naawa nga rin ako kay tita Alex noong nalaman niya ang mangyari kay tito Zach at galit siya kay Ethan sa nangyari. Si tito Greg naman ay hindi na lang nagsasalita pero minsan ay kinakausap niya rin si Ethan. Si dad naman ay sinisi niya ang nangyari kay tito Zach dahil nasabi niya sa amin ang totoong nangyari, siya daw ang dahilan kung bakit gumaganti sila Ariana sa Golden Dragon dahil sa pagkamatay ng ama nila at alam ni dad iyon dahil niligtas siya nito. Wala pa kami noong nangyari iyon maliban kay Luke.

Ngayon araw ay bumalik na ako sa kumpanya dahil halos dalawang taon na ako hindi pumapasok at tinatawagan na ako ni Miggy. Kailangan kong pumasok kahit ayaw ko pumasok ngayon.

"Mabuti naman naisipan mo ng bumalik." Tumingin ako sa nangsalita. Sino pa nga ba ang nangbubwesit sa akin sa loob ng dalawang taon?

"I'm not in the mood, Andrea." Binalik ko ang tingin sa screen ng laptop at nagsimula na mag-type.

"Hindi ba sinabi ko sayo noon---" Sumulyap ako sa kanya pero binalik ko agad ang tingin ko sa ginawa ko.

"I told you I'm not in the mood."

Nang nalaman ko lang nasa tabi ko na siya noong hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mga mukha niya ngayon. Ano problema ng babaeng ito?

"Ano ba ang problema mo ah?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Ako dapat ang magtanong sayo ng ganyan. Ano ang problema mo? Dalawang taon mo na ko binubwesit."

"Halos dalawang taon ka na hindi bumabalik ng kumpanya mo. Paano naman kita bubwesitin ng dalawang taon?"

"Palagi akong tinatawagan ng assistant ko kaya alam ko ang mga ginagawa mo sa kumpanya ko habang wala ako, ms. Valdez." Nakatingin lang ako ng deretso sa mga mata nito.

"Ano ba ang problema mo? Hindi ka naman ganito dati ah. Hindi ka naman umaabsent ng matagal noon."

"Gusto mo ba malaman ang dahilan ko kaya nawala ako ng matagal?" Nakatingin lang ako sa kanya.

"Magtatanong ba ako kung ayaw ko?"

"Dahil namatayan kami ng isang mahalagang tao. Masakit para kay Luke ang mawalan ng isang ama. Oh, ayan."

Bumitaw na siya sa pagkahawak sa pisngi ko kaya binalik ko na ang tingin ko sa laptop.

"Sorry, I have no idea." Tiningnan ko siya ng sandali dahil binalik ko rin agad sa laptop.

"You don't have to. Hindi mo naman kasalanan."

"Sino may kasalanan? Ikaw?" Tumingin ulit ako sa kanya.

"Of course not! Pero kung gusto mo malaman ang totoong nangyari ay paniguradong lalayuan mo ko."

"Bakit ko naman gagawin iyan?"

"You'll see dahil hindi mo kilala kung sino talaga ako. Kung anong klaseng tao ako. Kung sino ba talaga si Nathaniel Andrada sa labas ng kumpanyang ito."

"Bakit? Sino ka ba talaga?"

"A mafia." Tugon ko agad pero hindi na ako nakatingin sa kanya.

"M-Mafia? Yung pumapatay ng tao?"

Napaisip ako sa tanong niya. May iba pa bang klase ng mafia?

"Yes. Even mr. Jackson and mr. Marcello." Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtango niya kaya nilingon ko siya. "Are you afraid of me now?"

Mabilis siyang umiling.

"Wala akong kinakatakutan kahit isa ka pang mafia ay... ay... ay ayaw ko pa rin sayo." Napabuntong hininga na lang ako bago sinasarado ang laptop.

"Kung gusto mo talaga bwesitin ako ay bahala ka." Sumandal na ako sa backrest ng swivel chair.

"Tuloy pa rin ba ang kasal?"

"Yes. Marami akong kilalang judge na pwedeng magpakasal sa atin."

"Judge?" Napakagat siya ng labi. Is she trying to seduce me? Lalaki kaya ang nasa harapan niya at baka nakakalimutan kong ayaw ko makita ang babaeng ito at baka may mangyari sa amin dito pa sa loob ng opisina ko.

"Oo, bakit? Wala naman akong balak magpakasal sayo sa simbahan at sabi ng iyong ama ay ako na lang ang bahala kung saan gaganapin ang kasal. Wala rin akong balak na maging engrande ang kasal na ito, walang alam ang pamilya ko tungkol dito."

"Sino ang nakakaalam maliban kay papa?"

"Mr. Jackson and mr. Marcello pero kakausapin ko sila na huwag nila sabihin sa iba pa naming kaibigan dahil kung kailan ko gusto makipaghiwalay sayo ay gagawin ko.

"Sir." Napatingin ako sa may pinto kung nasaan si Miggy. "Mr. Jackson is here."

"Okay, let him in."

Tuloy tuloy lang pumasok si Luke.

"Nathan, may gusto lang ako---" Napatingin si Luke nang makita niya si Andy. "Um, good afternoon."

Tumango lang itong babaeng nasa tabi ko.

"Ano iyon, Luke? Kung problema mo ang babaeng ito, huwag mo na lang siya pansinin dahil alam na niya isa tayong mafia."

"Hindi tayo mafia, Nathan. Ginagawa lang natin ito para ipaghiganti sa pumatay kay papa."

"Okay. Ano ba yung sasabihin mo?"

"Nalaman ko na kung saan nagtatago ngayon ang ex girlfriend ni Ethan."

"Saan?" Kumunot ang noo ko.

"Nasa Gabriel General Hospital." Napatayo sa sinabi ni Luke. I know the hospital.

"Tara. Puntahan na natin ang ospital na iyon."

"No, Nathan. Kinausap ko na rin si Ethan tungkol dito at ang gusto niya siya mismo ang huhuli sa mga iyon. Ang kapatid mo ang malakas sa mga pulis at isa pa magaling din kumuha ng ebidensya si atty. Adrada."

Atty. Andrada.

Isang magaling na lawyer si Ethan pero kahit magaling ka ay pwede ka pa rin matalo sa kasong hinahawakan niya. May kaso na ring natatalo si Ethan.

"Okay. Ingat na lang si Ethan at alam naman niya siguro na magaalala si mama kung hindi siya umuwi sa bahay."

"Alam niya ang kanyang ginagawa, Nathan. Kahit hindi niya sabihin sa atin ay gusto niya rin ipaghiganti ang nangyari noon."

~~~~~~

Comment and press ☆ to vote.

Hate At First SightWhere stories live. Discover now